Kung hinahanap mo ang iyong sarili sa pagpunta sa Cebu, pero di mo pa rin makita makalipas ang araw… hanapin mo na lang ang pinakamasarap at pinakarasonable ang presyo na fruit salad and shake stand sa buong Pilipinas. “Thirsty?...” ang pangalan ng istol. Sa maynila, kasing laki lang ang pwesto nila ng Fruitas… pero ibang-iba ang syeyks na di tinipid sa lagay ng prutas. Subukan din ang fruit salad nila na tinitimbang. May pakwan, mangga, melon, buko, lychee...pero wag na magpalagay ng lychee, damihan ng malalambot na buko para mabuo ang tamang timbang. Tapos lalagayan na sya ng matamis at ma-cremang sabaw. Hmmmmnnnmnmn.
Meron sya sa Esem at Ayala Mall duon sa siyudad ng Cebu. Walang-wala ang Big Chill o Fruitas. At kalahati pa yata ang presyo. Ewan lang kung mag-i-istol din sila sa kamaynilaan--baka di na ganon kamura. Pero hmmmmnnnmnmn pa rin.
Meron sya sa Esem at Ayala Mall duon sa siyudad ng Cebu. Walang-wala ang Big Chill o Fruitas. At kalahati pa yata ang presyo. Ewan lang kung mag-i-istol din sila sa kamaynilaan--baka di na ganon kamura. Pero hmmmmnnnmnmn pa rin.
2 comments:
i object. mas gusto ko pa dn ang big chill. siguro nga mas masarap yun salad nila pero sa shake, BC pa dn. mas sakto ang timpla at mas fruity, pwede mo pa ibalik pag d mo nagustuhan. pag sa tingin mo overriped yun fruit, papalitan nila yun. at isa pa, d naglalagay ng milk ang BC--trademark nila. mas ok kasi fruit lang malalasahan mo, unlike others na parang they use milk to cover up for the real taste of fruit. they also don't put sugar kaya healthy..
uy. salamat sa comment. di ko alam na pwedeng magsoli at magpapalit. i learned something today.
Post a Comment