Nanood kami nang concert ni Beyonce nuong nakaraang linggo sa Taguig. Patron B, sanlibo ang tiket, isang antas lang ang itinaas mula sa General Admission. Mula sa pwesto namin sa pinakabakod (pinakaharap nang Patron B) mismo... haaaayyy, pagkaliit-liit na lang ni Beyonce.
O kaya sana nangyari ang mga nangyayari sa rock concerts... yung kapag bumanat na nang isang wild na kanta, nasisira ang mga bakod at nagkakaisa ang komunidad papunta sa harapan... walang mayaman o mahirap. May banta man nang bugbugan. :-)
Pero yung nasa VIP yata ay mga walang kwenta manuod... huminto kasi si Beyonce sa isang kanta dahil nakakawala raw nang gana. Kasagwa siguro umindak o masyadong prim and proper yung mga mayayaman sa harap. (O baka nagdyodyok lang din si Beyonce?).
Pareho kaming sumag-ayon na di na uulitin ang manood sa kasinglayo ng Patron B. Nagtanong si mahal kung kaninong concert karapat-dapat na gumastos nang limanlibo pataas para makapanood sa harapan. Pagkatapos nang masusing pag-iisip, ang sinabi ko ay Michael Jackson, basta hindi lipsynch. Pwede na rin siguro Eminem. Ang kay mahal naman ay Avril Lavigne daw.
Niwey, kasama ang pagod magdrayb palabas ng Da Fort at pabalik ng Sur, pwede na rin ang expiryens. Layb na layb ang pagbanat talaga ni Beyonce, kinanta ang Listen, at kahusay ng sayaw (mula sa napapanood namin sa JumbotronTV). At syemps oks na kasama si labs sa concert, natuwa rin sya... at natulog (nang-away rin nang konti) habang sa byahe.
No comments:
Post a Comment