Thursday, December 6, 2007

Walang kwenta sa Singapore

Walang kwenta sa Singapore, maniwala ka sakin. Kumpara sa Ocean Park ng Hong Kong, walang ka-kwenta-kwenta ang walang-kwentang Sentosa.

Ang dolphin duon sa Sentosa ay parang matandang-matandang maraming an-an at pagud na pagod na pero ayaw pa pagpahingahin. At ang bawat pagpasok at pagsakay sa mga sulok ng Sentosa ay may bayad. Pagkamahal pero walang kwenta.

Mas malaki rin di hamak ang gagastusin sa pagpunta sa Singapore kaysa sa Hong Kong.

Tapos, magbuklat ka pa nang dyaryo duon, ang laman ng Editorial ay ang debate ukol sa isang pinakaimportanteng, national issue, sa tamang ruta ng Taksi! Hehehehehe. Tapos, meron ding isisingit na isang news tungkol sa isang nagasgasang Jaguar sa Orchard dahil may isang turistang maling nag-U-Turn dahil di yata alam o di sumunod sa trapiko. At ang hunghang na turista ay papatawan umano ng kaukulang multa na kasing-halaga ng isang taong sweldo ng isang MMDA aid satin. Hehehe, malas ng kumag. Tapos nun, puro overseas news na. At kagaling at katapang mamuna ng mga kolumnista pagdating dito. Hehehehe.

Sandali, nasabi ko ba ang dolphin ng Sentosa na mukhang kailangan ng Canesten Cream? Tapos pagkarami ring dolphin ng Sentosa... ang hirap bilangin... mga dalawa.

Samantalang sa Ocean Park, may Dolphin University pa. Enjoy din talaga ang panunuod sa masisiglang dolphins at seals.



Pumunta lamang sa Singapore kapag magtatrabaho o may business trip. Wag na wag para magbakasyon duon. Sa Hong Kong na lamang. Mas mura rin ang computer peripherals. (pero di kasing mura sa Taiwan; sa ibang araw naman ang diskusyong ito).

No comments: