Wednesday, January 11, 2012

Overpackaging

Step 1. Get scissors, open quartery packaging. The plastic bag that was sealed in olden times by folding the plastic edge and passing it on a lighted candle. Many fingers are coated by hot plastic in those days. 

Step 2: Carefully get one piece from the bunch.Make sure you get only one, so as not to be tempted to go over your daily calorie intake. 

 Step 3. Carefully pull the edge of the tertiary packaging, a green cellophane. Do not pull too hard or the soft candy will be deformed and lose its attractiveness, according to the obsessive-compulsives.

Step 4: Open the whole package. and be surprised by the spring-like recoil of the two other packaging inside.

Step 5: You suddenly think about how three packaging materials were force-folded. The materials' natural form is in sheets, not rolls. You are surprised that there is still one plastic before the product. So, two plastics, sandwiching a white paper. You wonder about the functional purpose of each three packaging material. 

Step 6: You simultaneously think about the man-hours wasted wrapping the small thing, cutting the cellophane and paper to size. and that the cost is also multiplied because of the extra manufacturing process. 


Step 7. You also say that that all these are probably a complete waste, given a product that will be consumed in one loading... youre about to ramble complaints, but then you notice how your hand, in all its dryness, look old.  





Step 8, You just decide to take a bite, it's all right.

Step 9, Then you appreciate the tastiness of yema made from pure carabao's milk. As Dora the Explorer's backpack says, "Delicioso!"

Tuesday, January 3, 2012

Bourne Legacy sa Kamaynilaan

cy



Dear MMDA Chairman Tolentino:

MGA DAPAT GAWIN:
1. Magbantay laban sa mga mandurukot at isnatser dyan sa Malibay.
2. Maglagay ng paskel sa mga matarapik sa EDSA. Dapat may picture ni Renner at Weisz na “Paumanhin po, nag-su-shooting lang!” Maiintindihan agad yan ng mga pinoy.
3. Yung mga MMDA dyan sa rotunda na mukhang mga goon (o mga goon talaga sa lakas mangikil), pag-bakasyunin na muna.  
4. KIlala si Tony Gilroy sa sangkatutak na takes, hayaan na lamang lumampas sa oras nang konti ang mga shoot.  
5. Hayaang pasabugin ang himpilan ng pulis dyan sa Pasay at sila ang paglinisin at pagsementuhin muli ng bilding. Ispreyan na rin sila ng mga ligaw na bala kunwari. Kailangan yan ng istorya.
6. Sa Navotas, maigi mag-shooting dyan. Hayaan ang mga artista na malansahan. Idaan na rin sa Payatas. Matindi yan kung magpapagulung-gulong ang bida sa plastic, o lalangoy sa dagat ng basura, o magtatago sa bundok tapos babaril na parang si Owen Wilson.
7. Magdasal na wag umulan (kung di naman kailangan ng ulan).
8. Yung mga magtuturon na masarap magluto ng turon, hayaang magtinda sa set. Patok ang turon sa mga dayuhan.
9. Si Edward Norton, pansinin din. Mahusay yan sa American History X. Magugustuhan yan ng mga taga-Tundo.
10. Isama na sana ang Caloocan at Malabon. Walang kabuhay-buhay ang mga lugar namin na ito. Ituloy ang shooting maski bumaha.

 MGA DI DAPAT
1. Huwag hahayaang umepal ang mga taga FAP, CBCP, si Manoling, magkaron man ng matitinding bayolenteng eksena, magkaron man ng sex scene o barilan sa gitna ng Baclaran.
2. Huwag magpinta ng kalburo
3. Yung mga lubak, was masyado malalalim.
4. Huwag na mag-ayos ng courtesy call kay Pnoy. Huwag sila pilitin.
5. Kung sang hotel nakalagak ang mga artista, wag na i-pa-TV-patrol pa.
6. Huwag na pakialaman sana ng mga cineaste/selection_committee ng mmff.
7. Huwag ipainterbyu kay Boy Abunda ang kahit sino na bumubuo ng pelikula. Si Jessica na lang.
8. Hindi na kailangang dalhin sa high-class na bar para makinig ng music. Makikita na Renner na kahit ang maliliit na inuman sa gilid-gilid, maayos ang mga banda.
9. Huwag nang pilitin kumain nang balot kung ayaw. Sisig na lang para sumakit ang batok at mag-overstay.
10. Huwag aalukin si Jeremy Renner ng libreng masahe sa Flight 168 o sa Palacio don Pedro. Bagamat babalik-balikan nya tyang ang mga lugar na ito, magiging patotoo lang sa sinabi ni Amb. Tomas ang lahat.

Monday, January 2, 2012

Happy 2012!




Live life like it's the end of the world!

Stupid Promo from Citibank


Or rather, the people who are availing this are stupid! Citibank is a first class duper.

Thursday, December 22, 2011

Watdapak Movie

Imadyinin mo na lang kung ipapalabas ito sa Pilipinas.


Ang mga bishop siguro ay lalabas ang lahat ng ugat sa leeg sa panggagalaiti, at ang mga pari ay uutusang kumalat sa lahat ng teatro at babasbasan ang mga nanuod pagkalabas ng sinehan. May rebyu na kaya nito?

Ito ang isang rebyu.

Nakikithanksgiving lang

Sa pamamagitan nang pagbili nang kung anu-ano sa Black Friday Deals ng Amazon.

Itu ang kung anu-anung nakuha ko:




Maraming salamat sa nanay ng isang kaibigan na nagbabalik-bayan box nang regular. At sa Amazon Prime trial na tyempong ibiniyaya ng internet.

Ganire ang sistema nang pagtitinda. Lightning deals ang tawag a tunahan sa pagpindot:
(pero bakit langya, may tinitinda pang casette tapes?)

Lulong na ako sa kapitalismo, at pagpapapasasa sa di makubuluhang produktong pang-aliw. At neksyir, magpapaalipin na ako sa iPhone 4S. At nangangarap maglaro ng Diablo III sa makinang mapang-alipin na ito:
Ahh, kayod-kayod-kayod. Gusto ko nang bagong New Balance 993, kayod! Gusto ko nang bakasyon sa El Nido, kayod!


Dear Ensogo,

Dear Ensogo,

You dont have to hire a model, plaster her face in your email burst, call her with a cutie-cutie Nicole name, pretend she's one of your grunts at the office, and write enticements like "we miss you," to prod your existing members to click and buy. 


Just find and close good deals with your principals. That's the only thing needed. Merry Christmas, Nicole!

Wednesday, December 21, 2011

Ang lupit mo naman, Malacanang!

Happy Holidays!

As of today, Malacanang confirmed that December 26, 2011 and January 2, 2012 are regular working days.

Thanks and regards,

HR

Monday, November 21, 2011

Pinoy Karate Coach

Saw this at Siquijor Bandilaan Reserve

Local Jackie is guiding the kids to some exercise routines. 

 He looked like a goon, perhaps a member of Max Alvarado and Paquito Diaz's gang, but Local Jackie is serious in training the youth of Siquijor. 

Local Jackie is very serious, with matching "huuh, haaah, ihhhyah" in his every punch and kick.

I wish I had an extra t-shirt with me; I wouldve joined.

Thursday, November 3, 2011

Ang tamang paggamit ng nang at ng ayon kay Rio Alma

Sa nais matuto, lima lamang ang dapat tandaang tuntunin sa paggamit ng NANG.
1) Kasingkahulugan ng “noong.” Halimbawa: Umaga NANG barilin si Rizal. NANG umagang iyon ay nagkasakit si Pedro.
2) Kasingkahulugan ng “upang” at “para.” Halimbawa: para sa mga Espanyol, dapat barilin si Rizal NANG matakot ang mga Filipino. Dapat dalhin si Pedro sa ospital NANG magamot.
3) Bilang pinagsamang “na” at “ng.” Halimbawa: Sa mga Filipino, sobra NANG lupit ng mga Espanyol, Sobra NANG hirap ang inabot ni Pedro.
4) Nagsasabi ng paraan o sukat. Halimbawa: Binaril si Rizal NANG patalikod. Namayat NANG todo si Pedro sa sakit. [SA LIMA, ITO ANG PINAKAMAHIRAP SUNDAN].
5) Bilang pang-angkop ng inuulit na salita. Halimbawa: barilin man NANG barilin si Rizal ay hindi siya mamamatay. Ginamot NANG ginamot si Pedro para gumaling.
Mahirap bang intindihin ang naturang tuntunin?
Ang totoo, ito lamang ang dapat tandaan. Ang hindi sakop ng limang tuntunin ay nangangahulugang dapat gamitan na ng. Maituturo samakatwid ang naturang mga kaso ng wastong gamit sa nang sa loob ng ilang minuto.
Ang problema ay kung ano-ano pang tuntunin an gang idinadagdag ng mga titser. May nagbibigay naman ng mga halimbawa na talagang panlito. Nalilito tuloy ang mga estudyante.
Isang panlito ang problema sa kasunod ng “tulad,” “gaya,” at “lahat.” Hindi dapat malito. Maikling ng ang ordinaryong kasunod ng mga ito. Nasusundan lamang ng NANG ang mga ito kapag gamit sa pangungusap ay kadiwa ng isa sa binaggit kong limant tuntunin. Halimbawa: masama pa rin ang ating kalagayan tulad NANG barilin si Rizal. NANG ang kasunod ng tulad sapagkat kasingkahulugan ang gamit ng noong. ”
[may isa pang tip na kapag "of" ang direktang transleyson, siguradong NG ang dapat gamitin].
Nayari ako sa isang pakontes ni Jessica Zafra dahil sa maling paggamit ng ng at nang. Nakakahiya. Hehehehe. Kasi naman, maski parang napakasimple nang instruksyon ni Rio, parang napakahirap pa rin sa aktwal na paggamit. Tignan halimbawa ang #3, at ang isinulat kong "napakahirap nang instruksyon," o hindi ba tama na "na at ng" ang daloy kaya NANG ang ginamit? Tama ba? Sigurado ka?

Anak ng.. anak nang... para tuloy gusto ko na lang suportahan ang mga nagsasabing NG na lang lahat. Itapon na ang NANG na yan.