Thursday, May 14, 2009

Paglubog ng araw sa Boracay





Kumpara sa Bohol, Palawan, Cebu, Puerto Galera, iisa lang siguro ang unque na magugustuhan sa Boracay. Iyon ay ang sunset.

Hindi remarkable ang beach na ito kumpara sa iba, lalo na kung hindi ka naman mahilig sa gimik, party, nightlife, shopping eklat sa beachfront, toma sa buhanginan, at sa maraming taong naglalakad, nagsisiksikan, at nagkakatrapik pa minsan sa sidewalks sa pampang (yung sa parting may matigas buhangin na area).

Pero ang paglubog ng araw sa lugar na ito nang Pilipinas ay pambihira talaga. Napakagandang magpicturean ditto. Lalo na kapag gusto mong gamitin ang sunset mismo bilang background… kailangan nga lamang marunong ka gumamit nang tamang timpla nang fill flash sa dslr.

Hindi ko pa rin master ito, pero subukan mo lang ding kunan nang naka-daylight or shade ang white balance ng camera mo (maski point and shoot), makikita mo ang magandang paghahao nang orange at yellow ng langit. Nakakapayapa nang utak. At superb, ika nga.

No comments: