Tangina wala nang makakagawa nitong FPJ-move na ito sa isang pay per view, tangina.

Biruin mong namompyang nang negrong sintigas nang kamagong? Parang three stooges nga naman! Panalo!
Bweno, ang iba pang mga di ko makakalimutan sa the event na ito:
- Matigas ang postura nang pagsangga nang kamay ni clottey. Maski kasi suntukin na ang gilid nang siko, di pa rin natitinag ang pagakakatakip sa mukha.
- Si Buboy Fernandez, sumisigaw na nananapak daw nang paa si Clottey. Grabe pang three stooges na talaga yaon.
- Si Jhinkee, masyadong mahilig na sa camera. Feeling model na talaga nang belo
- Konti ang artista pag di sa vegas ginawa ang boksing. puros player lang nang putbol ang anduon
- Anggaling nang profile ni manny na ito.Pero parang sinabi ng awtor na si Paul Anka ang kumanta nang My Way.
- Politician na si manny pati sa paglakad papuntang rin, nangangamay nang tao. Pano kaya kung may namahid sa kanya nang pampahilo o yung pinapahid na pampaalis nang pintura. Angkati nun! baka matalo sya bigla
- May libreng tiket na worth 500 PhP sa waltermart kapag bumili nang worth 500 rin na p&g products (basta may kasama na head and shoulder).
- Bouncy ang buhok ni manny.
- Nagsasayang talaga ang smart nang international advertisement samantalang wala naman silang serbisyo maski sa tate man lamang.
- Pero nawala yata ang café puro sa puwitan nang salawal ni manny. Ang motolite andun pa.
No comments:
Post a Comment