Tuesday, July 20, 2010

Rebyu: Last Airbender, Ampangit, anlabo, wangkwenta



Parang teleserye lang ang dating na nilagyan nang costume at kung anu-ano. Luma na pati ang mga aksyon (hindi ba nagawa na lahat nang LOTR ang lahat nang klase nang espadahan). Ampangit pa nang taichi moves para mapagalaw ang air, water, earth, at fire. Yung ibang moves parang macarena lang. 

Trying hard pa sa kaeklatan gumawa nang mythos at pabula. At masyadong ambisyoso agad sa part 2, hindi muna ayusin ang kasalukuyang pelikula.

Ang mga dayalog e parang isinulat nang grade six para sa isang role playing sa klase ng Hekasi. At nakaantok ang maraming eksena. Sa labas nang sinehan sa Rockwell ang sabi nang isang ininterbyu: “Okey naman sya, okey naman, nakatulog ako e. hehehe.” Tyak na hindi makikita ang interbyung ito sa commercial sa TV.

Meron pang isang eksena na naghubad nang jacket ang admiral ng fire nation, na parang nagpeprepara sa umaatikabong bakbakan, pero wala naman pala. Nalunod na rin lang basta. Hehehe. Meron ding isang general na nagpasiklab gumawa nang apoy para sa wala, kala mo lalaban din, pero nagpalabas lang pala. Ipinakita lang sa madla na kaya nya nang gawin yaon tapos tapos! 

Mukhang nanarantado na lang talaga itong si M. knight Shyamalan. Mukhang sobrang lumaki na ang ulo ng narsisistikong ito. Okei lang maging narcissist basta may ibubuga at nakabala ang sunud-sunod na matitinding pelikula (tulad ni Christopher Nolan). Mukhang hindi na bagay sayo ang written, produced, and directed by Hijo. Magteleserye ka na lang muna kung ipipilit mo pa.  

Tapos, tapos, nakita ko pa ang interbyung ito kanina sa youtube…


Ang sabi nang mayabang,
I think if I thought like you I’d kill myself. Everything you said is the opposite of my instinct as an artist. The way you just thought, I literally would kill myself.

Aba, e de ituloy mo na. 

No comments: