Tuesday, November 30, 2010

Martina Hingis


Pag namatay ako isa sa aking maraming depinisyon nang langit ay ang bumalik si Martina Hingis sa aktibong paglalaro. Si Martina na maski mala-airport sa lapad ang noo at pagkalaki nang mga binti, ay tunay namang marikit. May anggulo syang mukhang mabagsik at masungit, pero pag inalagaan naman siguro at pinagluto nang masarap na tinola at iba pang masasarap na pangkaing Filipino at mamahalin nang isang Filipino, ay titino na rin sya, gaganda na muli at magkakaroon nang masinag na mukha. Di na rin sya magcococaine. Chocnut na lang siguro ang babanatan nya.

Pero bakit nga ba sa lahat nang larangan ng sports e sa Tennis dinudumog nang pagkagagandang mga dalaga at dalaginding? (Talagang outlier lang ang magkapatid na mukhang tsonggong Williams). Pano ba nagkaganito? Hindi ka ba papagenrollin sa akademyang pang-tennis pag tagilid ang karakas mo? Naghahanap ako nang artikulo sa internet tungkol dito pero wala pa akong makita.

Ang nakita ko lang ay picture na naglaro pala nang doubles kamakailan si Martina at Anna Kournikova nang doubles. Wow!

Martina, bumalik ka na sa kumpetisyon. Kaya mo yan. Magtino ka lang at manumbalik sa tamang landas, wag magdroga, wag magsasasama sa masamang barkada… maghanap ka na lang nang pinoy na magmamahal sayo. Makikita mo, babalik ang iyong matitinding drop shots, At ang kakaibang kanditirit kapag nakakatama nang winner. Winner! Hindi katulad nila Sharapova na masyadong nakakaeskandalo sa pagbirit, hiyaw, at halinghing sa bawat palo. Di namin kailangan ang mha hhhiiiiiyaaaauungg na yun, Ang kailangan namin ay ang dating mahinahon at masayahin na Martina Hingis.

No comments: