Thursday, February 24, 2011

Indiesine sa Robinson' Galleria

Sa mga hindi nakakaalam, mayroong sinehan sa Robinson's Galleria na nagpapalabas nang mga pinoy na indie films. Tuwing magagawi kami para tignan kung ano ang umuukopa nang slot na ito, kadalasang pambading ang mga tiradang tema ng palabas, katulad nang isang ito...



Pinapalabas ang mga obra nina Monti Parungao, Jonison Fontanos, atbp, sa sinehang ito. Ang mga taytol ay ganire: Ang Lihim ni Antonio, Parisukat, Pipo ang Batang Pro, Discreetly, atbp. 


Ang parating nasa poster ay mga lalaking walang pang-itaas, katulad nito:


Nakakahanga kung paano natatapos ang mga ganitong proyekto at kung paano nasusustena ng lokal na mga manonood. Meron na bang permanenteng tagasubaybay ang mga pelikulang ganire na sumasadya na lang sa Cinema 7 ng Galle lingu-linggo? Kumikita kaya ang mismong sinehan at namuhunan? Ilang araw kaya ang shoot nang mga ganitong pelikula? Paano kaya ang disposisyon sa pagkatay  nang mtrcb sa mga ganitong produksyon?

Samantala, ang palabas ngayon sa indiesine ay obra nang anak ni Celso Ad. Castillo:



Panalo ang pagkakahulog sa hukay nang bida! Hagalpak siguro nang tawa kapag sa sinehan ito pinapanood. Langya. UNTAMED VIRGINS, ang pelikulang parang hayskul project lang.

No comments: