27 Abril 2011
Kgg. Benigno Simeon C. Aquino III
Pangulo
Malacañang
Republika ng Filipinas
Pangulo
Malacañang
Republika ng Filipinas
Mahal na Pangulong Aquino:
Kamakailan lamang ako nakakuha ng kopya ng liham ni G. Jose Laderas Santos sa Punong Mahistrado Kgg. Renato C. Corona, may petsang 27 Enero 2011, at humihiling na ilisin ang TRO na ipinataw ng Korte Suprema laban sa pitong National Artist na nais iproklama ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2009. Malaki ang aking pasasalamat at hindi sinunod ng Kataas-taasang Hukuman ang hiling ni G. Santos.
Gayunman, isang magandang pagkakataon ito upang kondenahin ang patuloy na pamumunò ni G. Santos bilang Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at bilang Acting Chair ng Board of Commissioners, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), mga titulong ginamit niya sa kaniyang liham upang marahil ay “magulat” ang Punong Mahistrado sa kaniyang kalipikasyon. Kailangan ninyong malaman, Mahal na Pangulo, na ginawa ito ni G. Santos nang hindi sinasangguni ang mga board ng KWF at NCCA at isang malinaw na pagsasamantala at abuso sa kaniyang mga opisyal na tungkulin. Malinaw din sa kaniyang kilos ang pagsunod sa kapritso ng kaniyang mga dating patron na sina Gng. Cecile Guidote Alvarez at G. Carlo Caparas, na pinagkakautangan niya ng kaniyang appointment bilang Punong Komisyoner ng KWF sa isang bandá at makikinabang bilang mga DNA (Dagdag National Artist) kapag inalis ang TRO sa kabilang bandá.
Sa kaniyang liham, tahasang sinasalungat ni G. Santos ang paninindigang moral para sa “daang matuwid” ng mga National Artist at mga manunulat at alagad ng sining sa buong bansa na nagrali at humiling sa Korte Suprema noong 2009 para pigilin ang “nilutong” proklamasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kaniyang liham din ay nakatanghal ang karumal-dumal na katauhan ni G. Santos at isang katwiran upang patalsikin siya sa NCCA at KWF. Hindi siya karapat-dapat mamunò sa kahit aling ahensiya ng bayan. Hindi siya karapat-dapat pagtiwalaan ng mga alagad ng wika at alagad ng kultura ng Filipinas.
Ang kaniyang liham, sa kabilâng dako, ay isa ring magandang pakakataon upang ibaling ninyo ang pansin hinggil sa ganitong problema sa sektor ng kultura sa ating bansa. Bukod sa paglilinis sa mga ahensiyang pangkultura na sinaksakan ng mga kampon ni Gng. Arroyo, tulad ni G. Santos, kailangan ang inyong malinaw na patnubay sa dapat maging papel ng mga naturang ahensiya sa inyong programang pambansa. Sa kaso halimbawa ng mga bagong National Artist, marahil, kailangang atasan na ninyo ang bagong pamunuan ng NCCA at CCP upang repasuhin ang mga kandidato noong 2009 at muling irekomenda sa inyo ang tunay na karapat-dapat maging mga bagong National Artist. Napakainam din po kung bibigyan ninyo ng sapat na panahon ang kulturang pambansa, lalo na dahil ang tinutunggali ninyong korupsiyon ay isang pamanang pangkultura ng nakaraang panahon at malaki ang maitutulong sa inyo ng isang mahusay na kampanyang pangkultura sa pagbuo ng “daang matuwid.”
Marami pong salamat sa inyong panahong basahin ito.
Gumagalang at umaasa,
VIRGILIO S. ALMARIO
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Ganito ang tamad na pagsusulat sa Filipino: Pakyu, Caparas!
At watdapak, Ricky Lo! Ano yung sinulat mo na "Why not Carlos Caparas?" Ano yung idiniga mo na "He’s the only artist with a street (in Pasig City where in his early years he worked as a security guard) named after him" kaya dapat Pambansang Alagad Ng Sining na agad si balbas?
Watdapak! Si Jackie Lou Blanco, merong subdivision named after her. Dapat National Artist na rin ba sya? Mga kups!
Watdapak! Si Jackie Lou Blanco, merong subdivision named after her. Dapat National Artist na rin ba sya? Mga kups!
No comments:
Post a Comment