Thursday, June 30, 2011

Ampangit nang Transformers 3, tangina

Anlabo, andaming ilohikal na sikwens.

Papaanong nagkakuntsaba na pala si Megatron at Sentinel Prime noon noon pa, at magkikita pala sila sa Earth dapat simula't simula pa. E de sana, inubos na muna nila ang Autobot nun pa dahil si Sentinel naman ang Prime-lider noon.

At paanong kuntsaba na pala sila ni Megatron, tapos tinira pa nang mga Decepticon sa Cybertron ang space ship kaya napadausdos ito sa moon. Sa moooon.

Talo si Optimus sa mano-a-mano nila ni Sentinel. Dedo na sana si Optimus, pero tinulungan ni Megatron. Pero bigla na lang, pagtapos tulungan, binanatan lang basta ni Optimus si Megatron nang parang ipis. Biglang nawalan nang galing si Megatron. Biglang parang tag-team nang wwf na nagrarambol na lamang. Nakakaulul.

Nasabit si Optimus sa mga kable, na parang nasapot sa gagamba, pagkatapos, di na makaalis! Di man lang gamitin ang mga lumilitaw na palakol at espada nya, o kanyunin nang kanyunin ang mga lubid para makawala. Langya.

Namatay si Starscream! Di namamamatay si Starscream! Tangina.

Paanong magpapalabas nang isang buong planeta katabi nang Earth? E de sa lakas nang gravitational pull nuon, nawala silang pareho sa orbit. Pucha.

Mas mahusay pa ang Transformers 2. Yung may eksena na biglang dinukot ni Jetfire ang puso nya para lumakas at makalipad si Optimus at banatan sila Fallen. Panalo yun.

Matigas si Megatron, tapos tsinismisan lang nang babae e nabola naman. Naknamputsa.

Ang babaeng ito ay hipon, ang sabi nga ni Talampunay e biglang na-appreciate mo bigla si Megan Fox.


Hindi na dapat pagdirek-in si Michael Bay nang Transformers 4.

No comments: