Sa nais matuto, lima lamang ang dapat tandaang tuntunin sa paggamit ng NANG.Nayari ako sa isang pakontes ni Jessica Zafra dahil sa maling paggamit ng ng at nang. Nakakahiya. Hehehehe. Kasi naman, maski parang napakasimple nang instruksyon ni Rio, parang napakahirap pa rin sa aktwal na paggamit. Tignan halimbawa ang #3, at ang isinulat kong "napakahirap nang instruksyon," o hindi ba tama na "na at ng" ang daloy kaya NANG ang ginamit? Tama ba? Sigurado ka?
1) Kasingkahulugan ng “noong.” Halimbawa: Umaga NANG barilin si Rizal. NANG umagang iyon ay nagkasakit si Pedro.
2) Kasingkahulugan ng “upang” at “para.” Halimbawa: para sa mga Espanyol, dapat barilin si Rizal NANG matakot ang mga Filipino. Dapat dalhin si Pedro sa ospital NANG magamot.
3) Bilang pinagsamang “na” at “ng.” Halimbawa: Sa mga Filipino, sobra NANG lupit ng mga Espanyol, Sobra NANG hirap ang inabot ni Pedro.
4) Nagsasabi ng paraan o sukat. Halimbawa: Binaril si Rizal NANG patalikod. Namayat NANG todo si Pedro sa sakit. [SA LIMA, ITO ANG PINAKAMAHIRAP SUNDAN].
5) Bilang pang-angkop ng inuulit na salita. Halimbawa: barilin man NANG barilin si Rizal ay hindi siya mamamatay. Ginamot NANG ginamot si Pedro para gumaling.
Mahirap bang intindihin ang naturang tuntunin?
Ang totoo, ito lamang ang dapat tandaan. Ang hindi sakop ng limang tuntunin ay nangangahulugang dapat gamitan na ng. Maituturo samakatwid ang naturang mga kaso ng wastong gamit sa nang sa loob ng ilang minuto.
Ang problema ay kung ano-ano pang tuntunin an gang idinadagdag ng mga titser. May nagbibigay naman ng mga halimbawa na talagang panlito. Nalilito tuloy ang mga estudyante.
Isang panlito ang problema sa kasunod ng “tulad,” “gaya,” at “lahat.” Hindi dapat malito. Maikling ng ang ordinaryong kasunod ng mga ito. Nasusundan lamang ng NANG ang mga ito kapag gamit sa pangungusap ay kadiwa ng isa sa binaggit kong limant tuntunin. Halimbawa: masama pa rin ang ating kalagayan tulad NANG barilin si Rizal. NANG ang kasunod ng tulad sapagkat kasingkahulugan ang gamit ng noong. ”
[may isa pang tip na kapag "of" ang direktang transleyson, siguradong NG ang dapat gamitin].
Anak ng.. anak nang... para tuloy gusto ko na lang suportahan ang mga nagsasabing NG na lang lahat. Itapon na ang NANG na yan.
No comments:
Post a Comment