Sunday, October 21, 2007

Small point: tungkol sa pagsakay sa siksikan na jeep o bus


Ayaw ko nang katabing dumadagan sayo pag biglang kadyot o andar and sasakyan, imbis na humawak sa estribo.

Tignan mo pag sumakay ka ng dyip, sa routine ng pagkokomyut, karamihan ng tao ay nasa kanilang pribadong oras para magmuni-muni. Sa umaga, malamang iniisip nang lahat ang kanilang suliranin sa eskwela (halimbawa pag may eksamen, mga topic na kulang pa sa rebyu) o sa trabaho (mga nakalimutang gawin at kailangan nang tapusin).

Ngayon, pag bigla ibibigay sayo sa iyo ng katabi mo ang bigat nya dahil sa katamarang humawak sa estribo, hindi ba masasayang o ang iyong "train of thought?" Istorbo sa pinakamababawa. Mas nakakabwisit ito kapag nakatayo sa siksikang bus.

Posibleng pasintabi lang siguro kapag ang tao ay maliit at hindi talaga abot ang estribo, may bitbit ang dalawang kamay na di talaga kayang maibaba. o kababaihang iniiwasan naman ang matsansingan. O ang pinakamamahal mo ang dadagan sayo. Dabest yun.

No comments: