Sa aming palagay, kung ikaw ay pupunta sa Hong Kong para sa purong bakasyon, maiging isama sa itinerary ang pagpunta sa Jollibee Hong Kong. Dalawa na yata sila ngayon pero itong isa sa may Central Station ng MTR ang dapat bisitahin.
Shop Z4, G/B Eurotrade Center, 13-14 Connaught Rd. Central, Hong Kong
Maiging pumunta sa araw ng Linggo, dahil, ‘ika nga nila, you will catch a glimpse of OFW life on the side. Kung pano mag-adapt at magbuklod ang ating mga kabayan, maski isang araw lang nalibre mula sa pagkakayod nang isang linggo. Parang naging huntahan place ang Jollibee Hong Kong. Pag may hinahanap ka rin sigurong kahit sinong pinoy, na sigurado mong nakatira sa hong kong, dito maiging magtanong, parang katumbas ito ng Lucky Plaza sa Singapore.
Paano pumunta? Sumakay ng MTR. Bumaba ng Central Station, lumabas sa Exit B, at kumaliwa. Di ka lalayo, sa kaliwa mo pa rin, makikita ang ganitong eskinita. Bagamat may mga karatulang Chinese, para ka par ing ibinagsak sa isang eskinita sa Escolta or Carriedo.
Sinadya kaya na dito itayo ang Jollibag para talagang authentic ang feel at ang atmosphere? Para kang nasa Pinas talaga? Biruin mong pati ang mala-Caloocang mini-tambakan na basurahan, ang pagkadilim na parang nanakawan nang bumbilya ang poste, ang mismong sikip ala-eskinita,... mapapatanong ka talaga: Hong Kong pa ba ito? Parang hindi nga swak na magkaroon nang isang kainan dito.
Mauuna ang isang Little Quiapo Filipino Fast Food (mukhang hindi ito related sa sikat na Little Quiapo ng QC na may masarap na palabok at halo-halo)... tapos, susunod na ang isa sa simbolo ng ating bansa. Yahooo!
Sa labas pa lamang, nagkumpulan na ang mga kababayan natin. Nagtsitsismisan, nagpapalitan o nagbebentahan nang pirated DVD’s, may nagliligawan, may magkaholding hands. Karamihan din sa kanila’y nakaupo sa hagdanan at nagpapalipas lang nang oras--mukhang wala kasing hinihintay--hindi sila sumusulyap sa relo, hindi rin nakatayo at tumitingin sa teks sa selpon tapos lumilinga, basta kampante lang na nagpapalipas nang gabi.
Pagpasok naman sa loob, aba, wala na ang mabilis at nakakawindang na pantig ng salitang Chinese mula sa mga tao sa pligid. Mga wika na natin--Bikolano, Cebuano, Filipino, Ilokano (depende sa table na tatabihan)--ang maririnig. Pero meron pa ring ilang banyaga na mukhang nagustuhan na ang Jollibee (bagamat mabibilang sa kamay)
Mapapansin na pareho ang pintura, upuan, mga uniporme ng crew--pangkalahatang ambiance, pero may mga pagkakaiba sa menu. Una, may halo-halo sa Jollibee Hong Kong! Kakaiba rin na 22 HKD o 120 pesos ang Jolly Hotdog, samantalang 24 HKD o 136.8 PhP lamang ang Champ. (Iniimport siguro 100% ang palaman na hotdog ng Jolly Hotodg). Meron pa ring Amazing Aloha sa Jollibee Hong Kong, samantalang todits ay matagal nang wala.
Syangapala, maliit ang restroom dito at pila ang mga kababaihan sa pagdyinggel. Nakunan ang mga picture na ito sa loob habang hinihintay makadyinggel si Talampunay. Di rin ngapala namin sinasadyang magawi rito (nahanap sana ang bus papunta Peak Tram), bagamat wish namin na mahanap nga.
Pagkatapos sa Peak, gusto namin sanang tikman at ikumpara kung pareho ang luto at lasa (mukhang pareho naman ang hitsura). Pero hindi sila bukas 24 oras. Pagbalik nang mga alas onse, sarado na, pero andami pa ring mga kabayan!
Sa susunod, kailangang matikman naman namin ang chickenjoy dito. Kadali lang puntahan para mag-agahan, tanghalian, o hapunan. Isang dyok nga din na masarap mag-jolly Kiddie party sa Hong Kong. Pero kung meron nga, at aba kung gagawin mo, bongga ka agad sa komunidad ng Pinoy sa Hong Kong.
2 comments:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my site, it is about the CresceNet, I hope you enjoy. The address is http://www.provedorcrescenet.com . A hug.
haayyy salamat may nakapag-post din kung saan mismo nandun ang Jollibee HK.. I've been trying to look for it and baka dun kami maglunch bukas after masss... hehehe... we're just in HK for a few days and would like to drop by hehehe... salamat po!
I'll point the blog (http://pautravels.blogspot.com) I'll write to this address hehee thanks uli...
Post a Comment