Saturday, January 26, 2008

Turon ang solusyon...

Kung may bisitang banyaga at di alam ang ipapakain/ipapatikim, turon ang solusyon. Turong saging at ipakilala sya bilang simpleng "'Sorta banana spring roll. Sweet. For dessert."


Ngayong buwan ko lamang natutunan ito. May bisitang Singaporean, at isang kasama sa planta ang parang tiwalang-tiwalang umorder ng turon. Pagkatapos kumain, aba, gustung-gusto nila.

Sumunod naman ay mga Aleman. Aba, "fantastic" daw. "Thanks for the great lunch."

No comments: