Thursday, January 24, 2008

small point: kung ako mag-iinterbyu (job interview)...

... gusto kong makitang maglakad ang aplikante papunta sa kantin o papapasok ng planta. Hindi ko i-ha-hire pag mabagal maglakad. Malaki kasi ang probability na pag mabagal maglakad e inuuna ang porma, mabagal mag-isip, mas iniisip ang itsura nya kaysa trabaho, naapektuhan agad sa iniisip ng iba kaysa trabaho, isip masyado image, medyo tamad, medyo di pursigido, medyo teks ang inuuna, at/o medyo di makakarating sa paroroonan agad.

Pero syemps ang mahal ko ay exempted. Kasi ginawa nyang trademark talaga ang kembot. Naririnig naman sa boses at galaw ang kanyang determinasyon (taliwas sa kanyang lakad). Kasama na rin ang konsiderasyon na mas maliliit ang kanyang mag hakbang.

Exempted din ang mga buntis.

No comments: