Libro, Books, Pelikula, Movies, Kagaguhan at Katatawanan, Stupidities and Jokes?, Katutuhan, Learnings?, Kaintere-interes, Notes to Self
Sunday, March 29, 2009
Weird sa isang lamay
Nagpunta kami sa isang lamay nang biyenan nang isang kaibigan. Hindi namin ganuon ka-close ang napangasawa nang kaibigan, gayundin ang tatay nya na namatay. Pero naging prinsipyo ko na na hanapan nang oras at puntahan ang lahat nang lamay kapag nainform na may namatay. Pinakamahirap mahindian ang lamay sa lahat (mas mahirap kaysa betdey, binyag, atbp).
Pero sa lamay mismo dalawa ang napansin kong medyo weird yata.
Ang una ay itong tatangnan nang pangalan ng yumao... mga putol na kamay! Morbid.
Pangalawa, ang mga kamag-anak ay nagpapa-group picture sa gilid nang ataol. At nakangiti lahat. Kulang na lang mag peace sign. Kakaiba.
Tuesday, March 24, 2009
I-Witness's Bests Volume 4 Launching
Bweno, nagpunta kami sa launching nang ika-apat na koleksyon nang I-Witness Docu sa Powerbooks nuong nakaraang Sabado. Nanduon ang apat na documakers na sina Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, at Jay Taruc.
Alam naming magaganda humabi nang docu ang apat na ito. Masyado lang talagang gabi kung ipalabas ang programa sa siyete (sadya rin kaya dahil mature ang tema nang mga topic?) kaya hindi masubaybayan. Pinanood din namin agad ang apat na docu na nasa dvd--tig-isa-isang sampol bawat writer, mula sa walo na kasama sa koleksyon. At ito ang mga inisyal na reaksyon:
Mahusay talaga si Howie Severino. Nuong una pa lang mapanood ko sya sa Probe Team at sinusundan kung pano sumisipsip-tae ang mga tao ni Malabanan, at kung saan sana nila itatapon ang nasipsip na isang trak, bumilib na ako. Marunong talaga sya humabi nang isang buong docu na interesante. Siguro, mula pa lang sa pamimili nang topic at mga transition, bago pa man magsimula ang shoot, maayos na maayos na agad ang balangkas nya nang doku. Gayundin, nakakabilib na halos matatas na ang kanyang pag-na-narrate sa Filipino, mula sa pagka-fluent noon sa Ingles, sa Probe!
Si Jay Taruc naman ay mukhang nalilinya sa paglalathala nang kahirapan at papgpunta sa malalayo at liblib na probinsya para makagawa nang dokyu. Kitang kita mo ang kanyang interesanteng mukha nang pagkaawa habang nakikinig sa kwento nang kanyang subjects. Kung iisipin mo kung pano rin sya umakyat nang bundok para makuha ang istorya, humawak nang camera habang naglalakad, sumikap na makakuha nang magagandang anggulo, sumikap makakuha nang maayos na footages na pwedeng iedit at i-ayon sa maayos na daloy ng dokyu... mapapasaludo ka rin!
Ang forte naman ni Sandra Aguinaldo ay ang mas parang girl next door na mahusay magkwento nang mga temang may kurut sa pusu. Sya siguro ay pinakamagaling sa apat sa pakikipag-usap lalo sa mga ordinaryong tao, Parang ganadung-ganado ang kanyang mga iniinterbyu kapag nagkekwento sa harap nya. Madalas nakangiti si Sandra habang nagtatanong, o kaya'y parang nakikipagtsimisan. Nandoon naman ang simpatiya sa subject sa mukha pag malungkot naman ang tinatanong.
Samantalang si Kara David ay hindi dapat nagparetoke nang mukha. Nakakadistract ang kanyang bagong ilong, cheekbone (atbp?). Para tuloy nawawalan nang integridad ang kanyang temang-immersion na mga dokyu (halimbawa ang mamuhay at magtrabaho kasama ang mahihirap) Bakit ba kailangang magpaayos nang mukha kung wala namang problema. Isa syang mamamahayag, hindi mananayaw sa SOP.
Isa pang learning: dapat dalhin na parati ang dslr kapag pupunta sa ganitong mga event.
Thursday, March 19, 2009
Blogging a blogback
And so I have a new job, new place, new company
Even have a new laptop which initially annoys me with the switched Fn and Ctrl button (why does Lenovo has to go against the dominant order of Dell, et al?).
New office (from a Science Park in Laguna to a building in Ortigas), new corporate culture. What's so different from an 'engineering-dominated' semicon company to 'corporate'? well, at the shallowest, you have all the brand clothes that you have to adapt with, the waiting for elevators that you have to live with, and the inglisero/inglisera (with the proverbial trying hards) that you have to do your best not to squirm at, cubicles that you have to hole in for 9 hours minimum.
Anyway, I go back to my thesis that only Artists and Athletes love their job. Everyone else treats work as WORK.
Nice to be able to write in this blog again. I continued writing on my moleskine (in the picture). I hope to transfer some of those snippets... as I edit them to a decent narrative.
Subscribe to:
Posts (Atom)