Nagawi ako nang Shanghai, sa Bansang Tsina nuong nakaraang buwan.
Isa sa mga nilista kong misyon ay ang makahanap nang Lumpiang Shanghai. Ito ang naging resulta:
Merong Breadtalk, merong floss
May chicken wings at pinutanginang spaghetti bolognese (walang kwenta. wag oorder nang pasta-pasta eklat sa Shanghai, Bansang Tsina)
May binarbekyu na kung anu-ano (masaraap ang mga ito pero mahal)
May masarap din an parang kundol na kinamote (masarap din)
Pero, wala, walang piniritong kahit spring roll na lumpiang shanghai. Mukhang walang lumpiang shanghai sa Shanghai! Wala.
Itong dalawa na ito na ang pinakamalapit sa lumpiang shanghai na natikman ko...
(pinirito rin, pero ang laman nya ay parang buong isda)
Mukhang mas malapit ito, kasi parang eksaktong karne rin nang lumpiang shanghai ang laman.
Pero kakaiba ang pabalat nya at hindi pinirito. Parang binabad lang sa sabaw.
Sino kaya ang nag-imbento nang tawag na lumpiang shanghai sa lumpiang shanghai? Sinungaling sya.
1 comment:
oo nga. isang malaking palaisipan ang lumpiang shanghai
Post a Comment