(sinandwich ng sedaris at rushdie para ipakita ang manipis na librong ito--na sa sobrang galing ay kayang tapusin sa isang upuan)
Agad kong pinuntahan ang Bookay na tindahan sa Maginhawa St. Diliman (nanduon daw ang mga libro nya) para bilhin at basahin ang kanyang mga nalimbag nang obra nya. Nabili ko ang Gerilya. Matindi ito.
(nilimbag sya gamit ang papel nang parang sa Precious Hearts romances. Ang galing. Parang personal project talaga. Walang padri-padrinong negosyante! Rakenrol!)
Mahusay si Norman. Panalo ang nobela. Maaksyon, matapang, hindi boring.
Bagamat ang mga hardliner ay pwedeng punahin ang panggigilid ng awtor, sa pagpipigil at matamlay na opinyon tungkol sa relevance ng kilusan ngayon, hindi na dapat ito gawin. Ito ang kanyang piniling tirada ng nobela, hindi na dapat pakialaman iyon. Pinili marahil ng awtor ang mabilis na daloy ngkwento at wala nang pahina pang magugugol sa pampabagal ng anumang disertasyon pa.
Bagamat sa aking pagbabasa, di ko napigilang isipin: hungkag na nga ba ang pakikipaglaban mula sa kuta sa bundok? (Tandaan: si Satur ay congressman na. Si Popoy naman ay dinedbol sa UP pagkatapos mananghalian sa mamahaling Chocolate Kiss sa loob ng UP Diliman). Hindi tinumbok ang paksang ito ng diretso, pero pinahapyawan sya nang sapat kung tutuusin. Pinahapyawan din ang iba pang mga katanungang ito:
--Kailangan pa ba ang mga kasama para maipagtanggol ang naaapi sa kanayunan? Parang ang sagot ng nobela ay: oo, kailangan pa sila laban na rin sa patuloy pananamantala ng naghaharing maylupa. Nandyan pa rin silang mga ulupong. Mga bisnesman na gahaman, isama na ang mga ulol na cafgu at sundalo.
--ang mismong conflict ba sa loob ng kilusan ay puspos na rin ng lamat (tulad ng ibang organisasyon, parating may iringan, parating may nananamantala, maraming dudahan), kaya kailangan nang baguhin organisasyon ng pakikipaglaban???
--o talagang sa panahon ngayon, nasubukan na ang komunismo—at hindi na sya tenable bilang purong ideyalismo, patungong minimithing utopia. Kailangan nga itong pag-usapan.
---Sinabi senyo mabibigat ang binanatan ng nobela. Ano pang sustansya ang hahanapin mo sa isang librong napakanipis at mahigit sandaan lang ang bentahan?
Oo, may mga maliliit na pwedeng i-gripe. Katulad nang maraming typo. (Hindi kaya naasar ang mga hurado nang Palanca (na madalas may pagka-OC sa mga typo na ito?) . May mga habi ng istorya na di naibuhol sa huli. Sana rin iniba na lamang tono nang chapters nang para kay Ala, at hiwalay rin ang para kay Tony, para maarok sya nang mabilis nang masa. Pero napakaliliit ng mga angal na ito kumpara sa matinding dating at daluyong nang nobela.
May lovestory pa, may saysay, at tila may mala-Rambong eksena pa nang pagsungkit nang nakabaong bala sa katawan. Meron ding pag-ibig at trahedya ng ina, ama, at anak.
Wow. Bibihira ang ganitong babasahin. Kailangang suportahan ang librong ito. Ikalat. Basahin nang marami. Ipanregalo sa Pasko
-----
POSTSCRIPT
Hinahanap ko ang Mondomonila at Responde.'Ala na sya sa bookay ukay, ubos na raw. sinabi sa akin na magpunta sa Junkie Shop sa Cubao X. pinuntahan ko pero sarado. Gabing-gabi yata nagbubukas ang tindahang yaon.
Nakita ko ang Mondomanila sa Mag:Net sa may Katipunan, aba, ang presyo, limandaang piso! Alam kaya ni Mr. Wilwayco ito? Magkano kaya ang kanyang royalty sa mga kopyang maibebenta nga nang mag:net nang limandaan ang isa (samantalang medyo lukot na ang pabalat nang mga kopya sa establisymentong ito)
3 comments:
kapatid, talagang limang-daan ang presyuhan sa ngayon ng Mondo Manila. oo, alam yan ni Iwa at sa kasawiang-palad wala daw syang magagawa ukol doon. pati ako, pikit-mata kong binili ang kopya ko sa isang bookshop sa may sct. castor sa quezon city.
malupit na review by the way.
mabuhay ka!
astig ung mondo..pinabasa ng mulupit naming sir...nice..
.....aus...
the best!
Sir, nasa iyo pa ang physical copy mo ng Gerilya? Pag willing ka ibenta, please offer me a price. Gusto ko kasi magkaroon ng sarili kong physical copy. Thanks. You can contact me at 09175517688 or at recjarata@yahoo.com
Post a Comment