Friday, December 11, 2009

Tungkol sa kung saan tinahi ang ating bandila...



Si Josefa Llanes Escoda ay nanahi nang bandila nang ating bansa, habang nasa Hong Kong. Tila’y kasama siyang naipatapon duon nila Aguinaldo. (Ngayon kaya alukin ang isang Pinoy na itapon sa Hong Kong???), kaya dun nangyaring matahi ang ating bandera.  


Minsan kong nabasa sa Inquirer na meron ngang tatlong markers sa Hong Kong tungkol sa naging papel nang Hong Kong sa mga importanteng pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang dalawa ay para sa mga minsang nilagakan ni Gat Jose Rizal. Ang huli ay ang hinanting ko sa paghahanap, at nakita naman pagkatapos nang mahabang paglalakad. Ito yun. 



..


Nasa isang playground sya...











May malapit-lapit na malaking Wan Chai Playground. Wala dito ang marker. Iwasang maligaw. 





Sa halip, nasa maliit pero maayos na Morrison Hill Playground sya. 






Nasa mas maliit sya na mga padulasan sa likod ng swimming pool bldg ng Morrison. Mahaba-haba syang lakarin mula sa pinakamalapit na istasyon ng MRT (Wan Chai), pero di naman nakakapagod kung talagang dire-diretso at alam ang pupuntahan.

Habang kinukunan ko ang marker ay tinitignan ako nang mga mamang nagbabantay sa kanilang mga anak. Nabasa na marahil nila nang makailang beses ang marker at dinedma.

May isang impormasyon na nasa isang malapit na bilding ang totoong pinagtahian nang ating bandila. Hindi pumayag ang may-ari nang bilding na idikit ang marker, kaya sa public playground ito napunta. Gagong may-ari nang bilding na yon. 


No comments: