Tuesday, April 27, 2010

Manicurista


[Kamay at nipper]

Sa ibang bansa kaya nagmamanicure pa sila? At kung nagmamanicure sila nang self-help, marunong kaya sila gumamit nang nipper? Namamarder din kaya sila from time to time? May tinda kayang methiolate at cuticle remover sa mga suking corner store? 

Badass DVD

Tinginingnginongtongnongtong... tinginingnginongtongtongtong...








Bought in Shenzen, the entire set, for about 4USD. Looks genuine, but pirated.. The special features are also superb! (Didnt know Sergio Leone became so humongously fat). One of those very lucky buys.

Made even more remarkable because I saw Inglorious bastards after I saw The Good, The Bad, And The Ugly. Youll know what I mean (see and feel the camerawork) after youve also seen both opuses.

Monday, April 26, 2010

Kung sana sa Filipino na lamang.

Binasa ko lang ulit ang adjudication judgement mula doon sa blog nuong nakaraang buwan. Napagtanto ko na mahusay naman talaga managalog (mamilifino) tayong mga pinoy kung kinakailangan. Kaya nang marami ang magparating ng kanilang nais iparating sa purong pinoy, sa isang mahusay ang daloy, at impresibong eksposisyon.

Imadyinin mo ang pagiging mas klaro ng mga batas sa buong sangka-Pinoyhan kapag mas pinili nating magkipagdebate, at isulat ang mga papeles sa lehistlatura gamit ang Filipino. Napakainam at mababawasan ang mga maloloko. 

Kung bakit kasi itinuturing na “kaalaman” ang galing sa pagsasalita at paghabi nang mga salita sa Ingles. Tsk. Pati pilantik nang pagbibigkas nang ca-te-gory, ce-re-mony, ar-ma-ge-ddon, ay itinuturing na asset, samantalang minsan uhaw din naman sa diwa ang pinagsasasabi ng mga konyo. 

Biruin mo, itong memo na ito ay itinayp lamang sa loob nang sampung minutos, pero buung-buo ang diwa at struktura. Madaling initindihan at pormal ang pagkakasulat. Hindi pilit.


Friday, April 23, 2010

Walangya naman ang pagka-convoluted na banat nang historical mark na ito



Sa pook na ito ang unang pilipinong diplomatiko at ang tumahi ng bandila ng pilipinas na buong pagmamalaking iwinagayway ni heneral Emilio Aguinaldo sa kawit, cavite noong hunyo 12, 1898 sa pagpapahayag ng pagsasarili ng pilipinas ay maligaya at masayang nanirahan kapiling ang kanilang mga ulirang anak na sina… 
Namataan sa Malate. Malapit sa mga bahay inuman. Lasing siguro ang nag-draft nito. Hindi maiintindihan nang mga bata and historical mark tuloy. Hinid maaapreciate. Parang takot kasi magtuldok ang nagsulat.

Thursday, April 22, 2010

We know how to celebrate! We're all shiny happy people!



And so in a recent trip to Apo Island in Negros , we were lucky to be there on the day there is a big celebration. T'was the birthday of the barangay captain, named Liberty Rhodes, who sounds like an institution or foundation or NGO's name. Here she is, with a dancing partner:



She also owns the biggest lodge in the island called Liberty Lodge.

The occasion afforded the community 4 extra hours of electricity (on normal day, electricity is on only from 6PM to 9 PM), because the program on the small plaza needs electricity. Here is the plaza by day




 and the following night:

As you can see, at the center of the celebration is a contest. Real men, is supposed to dress-up and play gays on a pageant night, complete with talent and the proverbial question-and-answer portion.  The prize money was 10 K PhP. Here are some of the other contestants.







Two foreigner guests were invited to judge the pageant and then one local. There were some trouble translating the questions and answers, but nevertheless, everyone managed...

[the judges]

[the audience]

Everyone in the small island community assembled in the basketball court to see burly, salt of the earth, mostly boatmen dance to “nobody, nobody, but you/” Everyone had a good time, even the foreigners laughed with the big crowd.

These are two of the contestants who swaggered his way to the tune of Nobody, Nobody.



Then there’s this man who after gyrating onstage went down, high-fived his wife,  and then carried his child, still in costume. One happy family.


But there was a controversy in the end.

We werent able to finish the proceedings. But the following morning, when we’re about to go snorkeling, we saw one of the judges, We asked what happened and who was the winner.  

Oh, there was some issue, some problem, he said. The one that we chose was not the one that was announced by the host. Hahahaha. In here that’s what we call that “cooked.” Na-luto.

Well life goes on... The most important thing's, that night, everyone's happy.




Wednesday, April 7, 2010

Transleysyons

Pasintabi, gusto ko lamang i-copy-paste ito rito for posterity...


Ako ay nagkukubli dahil kakausapin na naman ako ng mga dayuhan at bagama’t sila’y marunong naman at madalas purihin ang aking bansa’y hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin ng mga Pilipino. Akala nila’y nauunawaan nila ang Pilipinas dahil ilang taon na silang namamalagi rito, nguni’t dahil nga sila’y bisita ang nakikita lamang nila ay ang kagandahan na para sa mga turista. Hindi ako nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa lahat ng ayaw ko ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin ay walang iba kundi tayong mga Pilipino. At tuwing makakita sila ng magandang bagay o tanawin, o makatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan sa kanilang malalakas na boses. Ano ba sa Tagalog ang “patronize”? Lingid sa kanilang kaalama’y ito ang ginagawa nila.Â
 
O baka nagkataon lamang na madaldal sila at masyadong mahilig sa tunog ng kanilang sariling tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila at hindi ko sila tatanungin kung bakit tuwing ako’y nakakausap ng kanilang kababayan ako’y inaantok, o kung mayroon silang “cellar”. Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!


Napakahirap magsulat nang pormal sa Filipino. Mahirap masterin ang “ng at nang,” humanap nang synonym, iwasan magsabi nang sangkatutak na “na, lamang,” (para sa already, only, at just), manatili sa iisang tono, at bumaybay nang pandiwa para ipakita ang pangmaramihan at pang-isahan (plural at singular). Nakakawindang magpapalit-palit din sa passive at active voice; sangkatutak na ‘ay’ ang kailangang ilagay kapag active ang pinili. Nakakaburyon din ang pagsisigurado na makakabitan nang ‘mga’ ang lahat nang pangngalan at panghalip na dapat ipakita na pangmaramihan. Sa unang bungad hanggang sa huling tuldok, kailangan ring manatili lang sa iisang pormal na boses at pagpili nang mas pormal na salita (ngunit o subalit, imbis na ‘pero’)

Ang pinoy ay hindi isang efficient na language kung tutuusin (napakarami nang syllable at babaybayin na letra–’pupunta’ imbis na ‘go,’– kumpara sa kung ang diwa ay ipaparating na lamang sa ingles.

Pero pag naisulat nang mahusay, ang daloy ng sanaysay sa pinoy ay di tatalunin ng kahit anong salin sa ingles. Parang tula na tumitipa ang bawat salita, pangungusap, at hinehele ang nagbabasa.

Isang mabilis na pag-edit (suhestyon lamang):

Ako ay nagkukubli, umiiwas kausapin na naman ng mga dayuhan dito. Bagama’t sila’y maalam (alternative: may mga ibubuga / may sinasabi) rin naman at madalas purihin ang bansa, hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin nating mga Pilipino. Akala ng mga taong ito ay nauunawaan na nila ang Pilipinas dahil lamang sa ilang taon nilang pamamalagi rito. Nguni’t sa totoo, sila’y mga bisita pa rin na ang nakikita ay kagandahan na para sa mga turista lamang. Ako’y hindi nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas sa kanila.

Isa pa, tuwing makakakita sila nang magandang bagay o tanawin, o makakatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan nang malalakas ang boses. Ano ba sa Tagalog ang “patronize’? (ano nga ba? nakakakababang pananangkilik, mapangmataas na pamumiri?? hehehe) Lingid sa kanilang kaalama’y, ito ang kanilang ginagawa. Sa lahat nang ayaw ko, ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin, walang iba yaon kundi tayong mga Pilipino rin.

O marahil nagkataon lamang na sila’y likas na madadaldal, at masyadong mahihilig sa tunog ng kanilang sariling mga tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila, at iiwasan silang tanungin nang kung bakit tuwing ako’y makakausap ng kanilang mga kababayan, ako’y inaantok. O kung mayroon ba silang “cellar’.
Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!
Magaling akong mag-Filipino. Ang hindi ko maatim ay ‘Taglish’.

Monday, April 5, 2010

Tunay na masarap!



Ang magic ng tuyo ay syempre, mapaparami ka nang kanin... 


Nakakatakam talaga pati ang scrambled na itlog na galing sa native na inahin.