Binasa ko lang ulit ang adjudication judgement mula doon sa blog nuong nakaraang buwan. Napagtanto ko na mahusay naman talaga managalog (mamilifino) tayong mga pinoy kung kinakailangan. Kaya nang marami ang magparating ng kanilang nais iparating sa purong pinoy, sa isang mahusay ang daloy, at impresibong eksposisyon.
Imadyinin mo ang pagiging mas klaro ng mga batas sa buong sangka-Pinoyhan kapag mas pinili nating magkipagdebate, at isulat ang mga papeles sa lehistlatura gamit ang Filipino. Napakainam at mababawasan ang mga maloloko.
Kung bakit kasi itinuturing na “kaalaman” ang galing sa pagsasalita at paghabi nang mga salita sa Ingles. Tsk. Pati pilantik nang pagbibigkas nang ca-te-gory, ce-re-mony, ar-ma-ge-ddon, ay itinuturing na asset, samantalang minsan uhaw din naman sa diwa ang pinagsasasabi ng mga konyo.
Biruin mo, itong memo na ito ay itinayp lamang sa loob nang sampung minutos, pero buung-buo ang diwa at struktura. Madaling initindihan at pormal ang pagkakasulat. Hindi pilit.
No comments:
Post a Comment