Sunday, March 29, 2009

Weird sa isang lamay



Nagpunta kami sa isang lamay nang biyenan nang isang kaibigan. Hindi namin ganuon ka-close ang napangasawa nang kaibigan, gayundin ang tatay nya na namatay. Pero naging prinsipyo ko na na hanapan nang oras at puntahan ang lahat nang lamay kapag nainform na may namatay. Pinakamahirap mahindian ang lamay sa lahat (mas mahirap kaysa betdey, binyag, atbp).

Pero sa lamay mismo dalawa ang napansin kong medyo weird yata.

Ang una ay itong tatangnan nang pangalan ng yumao... mga putol na kamay! Morbid.

Pangalawa, ang mga kamag-anak ay nagpapa-group picture sa gilid nang ataol. At nakangiti lahat. Kulang na lang mag peace sign. Kakaiba.

Tuesday, March 24, 2009

I-Witness's Bests Volume 4 Launching


Bweno, nagpunta kami sa launching nang ika-apat na koleksyon nang I-Witness Docu sa Powerbooks nuong nakaraang Sabado. Nanduon ang apat na documakers na sina Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, at Jay Taruc.

Alam naming magaganda humabi nang docu ang apat na ito. Masyado lang talagang gabi kung ipalabas ang programa sa siyete (sadya rin kaya dahil mature ang tema nang mga topic?) kaya hindi masubaybayan. Pinanood din namin agad ang apat na docu na nasa dvd--tig-isa-isang sampol bawat writer, mula sa walo na kasama sa koleksyon. At ito ang mga inisyal na reaksyon:

Mahusay talaga si Howie Severino. Nuong una pa lang mapanood ko sya sa Probe Team at sinusundan kung pano sumisipsip-tae ang mga tao ni Malabanan, at kung saan sana nila itatapon ang nasipsip na isang trak, bumilib na ako. Marunong talaga sya humabi nang isang buong docu na interesante. Siguro, mula pa lang sa pamimili nang topic at mga transition, bago pa man magsimula ang shoot, maayos na maayos na agad ang balangkas nya nang doku. Gayundin, nakakabilib na halos matatas na ang kanyang pag-na-narrate sa Filipino, mula sa pagka-fluent noon sa Ingles, sa Probe!

Si Jay Taruc naman ay mukhang nalilinya sa paglalathala nang kahirapan at papgpunta sa malalayo at liblib na probinsya para makagawa nang dokyu. Kitang kita mo ang kanyang interesanteng mukha nang pagkaawa habang nakikinig sa kwento nang kanyang subjects. Kung iisipin mo kung pano rin sya umakyat nang bundok para makuha ang istorya, humawak nang camera habang naglalakad, sumikap na makakuha nang magagandang anggulo, sumikap makakuha nang maayos na footages na pwedeng iedit at i-ayon sa maayos na daloy ng dokyu... mapapasaludo ka rin!

Ang forte naman ni Sandra Aguinaldo ay ang mas parang girl next door na mahusay magkwento nang mga temang may kurut sa pusu. Sya siguro ay pinakamagaling sa apat sa pakikipag-usap lalo sa mga ordinaryong tao, Parang ganadung-ganado ang kanyang mga iniinterbyu kapag nagkekwento sa harap nya. Madalas nakangiti si Sandra habang nagtatanong, o kaya'y parang nakikipagtsimisan. Nandoon naman ang simpatiya sa subject sa mukha pag malungkot naman ang tinatanong.

Samantalang si Kara David ay hindi dapat nagparetoke nang mukha. Nakakadistract ang kanyang bagong ilong, cheekbone (atbp?). Para tuloy nawawalan nang integridad ang kanyang temang-immersion na mga dokyu (halimbawa ang mamuhay at magtrabaho kasama ang mahihirap) Bakit ba kailangang magpaayos nang mukha kung wala namang problema. Isa syang mamamahayag, hindi mananayaw sa SOP.

Isa pang learning: dapat dalhin na parati ang dslr kapag pupunta sa ganitong mga event.

Thursday, March 19, 2009

Blogging a blogback


And so I have a new job, new place, new company

Even have a new laptop which initially annoys me with the switched Fn and Ctrl button (why does Lenovo has to go against the dominant order of Dell, et al?).

New office (from a Science Park in Laguna to a building in Ortigas), new corporate culture. What's so different from an 'engineering-dominated' semicon company to 'corporate'? well, at the shallowest, you have all the brand clothes that you have to adapt with, the waiting for elevators that you have to live with, and the inglisero/inglisera (with the proverbial trying hards) that you have to do your best not to squirm at, cubicles that you have to hole in for 9 hours minimum.

Anyway, I go back to my thesis that only Artists and Athletes love their job. Everyone else treats work as WORK.


Nice to be able to write in this blog again. I continued writing on my moleskine (in the picture). I hope to transfer some of those snippets... as I edit them to a decent narrative.

Thursday, December 11, 2008

ang blogspot ay blocked

sa opisina. Kung kaya, di makapagpost. Sa pagbablock na ito, pinagkait ng kumpanya ang pagtingin sa ilang kapaki-pakinabang na impormasyon din naman. katulad ng strobist na napakabuti talaga sa mg nahihilig sa potografi.

Gayunpaman, di rin naman maipaglalaban ng kahit sino samin ang pakinabang ng mga babasahing ito sa bisnes ng semicon. :-)

Saturday, August 23, 2008

at puerto princesa

in deloro inn, trying e71 and free wifi in this place, and post a blog. result: surprisingly fast.

one quick comment on palawan waters: it's very calm. small boat seem to be traversing a well-asphalted road. in 3 hours of accumulated boating hours, only twice were we 'lightly sprinkled' with see water, slight turbulence. tour guide slept comfortably in some stretch.

now the test is done. swell.

more on palawan later. i hope talampunay will post some pictures herself, because blogspot is now blocked at the office.

Friday, May 9, 2008

Robbed!

Morning of April 20, robbed at my own apartment while sleeping. Robber robbed through an open window (must have a contraption)

At first you feel stupid, then necessity strikes in: you must block all the cards, try to retrieve same cellphone numbers (now possible even with prepaid), but now, weeks after, how does it feel to have two cellphones, wallet with cash and all the important cards in it, Leatherman with maximum sentimental value robbed from you? It's still depressing. I dont think anyone gets over it fully.

Tuesday, March 11, 2008

Maroon 5


March 5, Araneta (Digression: if you think about it, whatever the Araneta's get for every concert are sure profit! Couldve recovered their investment 100-fold. And today, it still remains as the best concert venue in the country. Why wont anyone worthily compete with Araneta? ULTRA used to be better. What happened to this arena?)

Adam Levine's voice reaches through the throat of the ladies all the way through their hearts.
I also learned that night that in concerts, best to not buy tickets in advance. Just pop up at the entrance while concert has started with the opening band. There is always a person who suddenly doesnt want to watch (inindyan ng kasama o kung anupaman) and will sell their tickes from 4000 --> 700 PhP! At the most expensive, you can ask scalpers that can sell at minimum 20% cheaper than list.

Watdapak: Earth, Wind, and Fire "experience..."

Nanuod kami ng Earth Wind and Fire... "experience" Ivig sabihin meron pala sa ibaba ng poster na "featuring All Stars Band" eklat. Sumatotal, di sila ang earth wind and fire na may bokalistang nakapermanenteng may kunot na ang noo ngayon.

Kun di may isang ex-EWF na tumiwalag at nagtayo ng banda at pinagkakakanta ang kanta ng EWF.

Kaya pala medyo mura ang tiket. Nakakabwisit pa ang opening band na Mocha na ilang daang beses yata sinabi ang "Araneta!." Sampol, sa mga pangungusap na "How are you Araneta!" "How about a big hand Araneta!", "Thank you Araneta!", "We Love you Araneta!", "Visit our Mocha website Araneta!" Hehehehe.

Talo ang bandang Mocha na ito. Plakadong lata ang boses, feeling mahusay magsayaw at seksi pero di naman.

Dun naman sa EWF Experience Featuring Band, pwede na rin ang banat nila sa Reasons at naipandayog na rin ang madla sa September. Pero sana niliwanag na hindi EWF ang mapapanood, namputsa. Kala namin may isa pang banda na lalabas e. Mga pang-apat na kanta bago napagtanto na EWF Experience-giver Featuring Band pala ang ibig sabihin.
Pero oks na rin sa 1000 pesos na nabili sa scalper, Patron A na agad!
"Something happened along the way... huuu yeeeahh... yesterday... yeaahhh. Are you felling all right?! Hu yeeeaah"
















Monday, March 10, 2008

Hapi Aniberchayi My Yab!



All true love is worth fighting for. -- RJ Rizal
And that I know that you are the only one in my menu...

(March 10, 2007)







Thanks for the priceless year. Mahal kita, walang iba.


Friday, February 29, 2008

Unang ulam


1/4 - giniling
5 takal - toyo
3 - patatas
55 - green peas
1/2 baso - tubig
2 - nilaga itlog
2 - bell peppers
2 - bilog bawang
2 - bilog sibuyas
1 wisik - asin
1 wisik - patis
1 - babaeng seksing maganda na naka-pink na sleeveless
huwaw. yummy.