Thursday, February 24, 2011

Indiesine sa Robinson' Galleria

Sa mga hindi nakakaalam, mayroong sinehan sa Robinson's Galleria na nagpapalabas nang mga pinoy na indie films. Tuwing magagawi kami para tignan kung ano ang umuukopa nang slot na ito, kadalasang pambading ang mga tiradang tema ng palabas, katulad nang isang ito...



Pinapalabas ang mga obra nina Monti Parungao, Jonison Fontanos, atbp, sa sinehang ito. Ang mga taytol ay ganire: Ang Lihim ni Antonio, Parisukat, Pipo ang Batang Pro, Discreetly, atbp. 


Ang parating nasa poster ay mga lalaking walang pang-itaas, katulad nito:


Nakakahanga kung paano natatapos ang mga ganitong proyekto at kung paano nasusustena ng lokal na mga manonood. Meron na bang permanenteng tagasubaybay ang mga pelikulang ganire na sumasadya na lang sa Cinema 7 ng Galle lingu-linggo? Kumikita kaya ang mismong sinehan at namuhunan? Ilang araw kaya ang shoot nang mga ganitong pelikula? Paano kaya ang disposisyon sa pagkatay  nang mtrcb sa mga ganitong produksyon?

Samantala, ang palabas ngayon sa indiesine ay obra nang anak ni Celso Ad. Castillo:



Panalo ang pagkakahulog sa hukay nang bida! Hagalpak siguro nang tawa kapag sa sinehan ito pinapanood. Langya. UNTAMED VIRGINS, ang pelikulang parang hayskul project lang.

Monday, February 21, 2011

Best short story, 2010

There was a time last year when Ive decided that the only fiction that I will read are short stories. Given the short minutes I squeeze in as reading time before sleeping, I hate it when I get cut off in the middle of chapters in a novel or continue on until 3am and discover that there's only 3 more hours to sleep before preparing for work.  



(I bought too many short story collections last year. Big portions of current bookshelf are now occupied by collections). 

Besides the anthologies, I have been reading the short fiction in the New Yorker (my subscription will last until July) as well, especially when I see a well-known author or a skimmed random dialogue that catches me.

From this pool that Ive accessed, this is the best short story that Ive read in 2010. 


Besides mentioning that it is about drug-testing toward inmates, I dont need to introduce it further, because it is short enough for a 30-minute read.

It's also fantastic how the New Yorker story was accompanied by an author (George Saunders) interview. Read it after reading the story (not before, I warn you). But here's an excerpt anyway (available at the new yorker website):
"So most of what I’m doing on a given day is just trying to ensure that the wild ride happens, trusting and hopeful that the thematics will take care of themselves..."
Do you ever wish for just a small dose of VerbaluceTM while writing?Well, define “small.” I tend to use 50 ccs for fiction. For an interview like this, I’ll use 25 ccs, which runs out in about an hour or so. Dosage is key. One doesn’t want to underdose. Because an interview like this is important. Think of it: tens of thousands of readers reading me on there IPids. This is no time to take chanses. On a too low dose; their mite be a tendency: for my prows and sin tax and punch you ashun to get less presise. Which wud suk, sence I/am riting to the intervew to the yew norker, one of are mast presijus, if not most, magizins, who stil even publich friction in are dekadint acche!

Pacquiao to PTI, it!

I was listening to the PTI podcast as usual while driving this morning. Im surprised to hear a familiar voice, familiar accent. Immediately

 looked for this video the moment I got to my table:



Manny's English is definitely improving. Only, the English language's prepositions are just unwieldy, so just pardon please his "Mosley is good fighter," "I have another career to focus it," "i have to train hard and focus to the fight." Everyone can understand the ideas he were trying to send forth anyway.

Manny aced the interview, and the hosts are noticeably elated, 'gardless if Kornheiser is an English major.

Mabuhay ka Manny!

Monday, February 14, 2011

Cowardly Mayweather’s Sonnet Number One

Yes, when I come back, I’ll kick Poochiao’s ass
Three losses, two draws, and been knocked out twice
No, he can’t match the pure Mayweather class
After the whupping, chump will cook me rice
The motherfucker’s name is Emmanuel
Cant speak no English, his name is fake
L’il ass chump can’t beat me, no chance in hell
I’ll stomp the midget, easy as cake
Motherfucker signed with two companies
How stupid can a motherfucker be?
Reebok gave me one million dollar G’s
Poochiao got only 10 g’s from Nike
[I watch his punching, my ball’s retreating]
[will just run my mouth than take a beating]


[whatever the hairdo, manny's a winner! -)  ]

Monday, February 7, 2011

Angelo Reyes, Congrats!

Matagal-tagal na ring walang nagpapakamatay na dapat magpakamatay. Congrats sa iyong ultimate delicadeza. Pero bakit hindi sa ulo, tsong? 

Tsaka sana marami pang sumunod. Tsaka Kung may Sparrow Unit pa, si Carlos Garcia dapat wag na hintaying magpakamatay, patayin na lang!

Isama nyo na rin itong hayop na ito:

"We are third generation despots in the Philippines." Hahahaha. Buwakanginamo. Dapat sa Munti ikulong ang isang ito.

Monday, January 31, 2011

Breaks anyone's heart anytime

I was looking for a photo of something "dirty" to put in a presentation on Green initiatives. I remembered shooting an estero in Quiapo two years ago. I found this photo together with those other pictures of Quiapo. 
Shot it on the way down the big underpass of Echague and Hidalgo. In sweltering heat, this 'supposed' mother and daughter are sitting on the stairs, begging. 

Why 'supposed?' You know they're most probably part of a syndicate, but you still can't help give money. Any parent would, seeing a child suffer like this. 


I remembered it also got me thinking minutes after dropping a few change. I thought that no parent would allow his or her child be pandered for money like this.You will not allow your infant child be exposed in extreme noon heat and dirt of Quiapo, aggravating probable pain the baby is already feeling. 

When I come back in the same underpass, I won't be surprised to see this woman again in the same location, with a different disabled child in tow. I won't be surprised if I forked over money again after seeing her and her prop. 

RPG Metanoia at iba pa.



Tama yung isang rebyu na nabasa ko--sa titulo pa lang, matapang na ang RPG: Metanoia. Imadyinin mo, isang anak na nagyaya...
"Tay, nood tayong RPG: Metanoia."
"Anong RPG Metanoia?"
"Yung, ano, tay..."
"ano ba yan anak bagong brand nang vetsin?"

Pero hindi, hindi ito vetsin, isa itong metikulosong tinapos na pelikula. Mahusay at kailangang tangkilikin.

Hindi pa pulido ang ibang eksenang animation, pati yung tyempo ng dubbing sa buka nang bibig nang mga karakter ay may mga mintis pa, pero pwedeng pwede na ito. Pwedeng-pwede na isabak sa mga festival, lalung-lalo na sa katarantaduhang mmff. Itong RPG Metanoia ang nanalo dapat na best picture. Saan ka pa makakakita nang pelikulang pinoy na kung saan ang bawat frame ay pinag-aralan at pinaghandaan. Nilagyan nang detalye nang dyip dito, nilagyan nang lata, nilagyan nang aso, karakter na binarungan at binigyan nang payong na tumitira. Langya, tinalo ito nang isang pelikulang may bidang malaking baba? Yun lang yun?

Ang RPG Metanoia ay tungkol sa isang batang nalulong na sa computer role-playing game. Pinapakita nito kung paano na nakakalimutan nang henerasyon ngayon ang tumbang preso, patintero, at ang ibang pang larong pinag-aaralan sa Philippine Games sa Peyups. (Aaaah Philippines Games, ang kinukuha nang estudyante kapag naubusan nang slot sa PE). Sa Amerika, pinagtatalunan na na hindi na nga nagkakaroon nang ehersisyo ang mga kabataan, nagtatabaan na lamang lahat sila dahil wala na nang mga pisikal na aktibidades. Nalulong sa sa facebook, youtube, ang mga bata. Totoo namang kayang ubusin ang bawat araw sa harap nang kompyuter nang mga bata ngayon. Paano nga naman susubukang ibalik ang mga larong ganito, lalo sa atin dahil ang mga kalye ay pinaparadahan na nang mga sasakyan na kakarag-karag? Pati ang mga sira at bulok na na di naman tumatakbo ay ayaw pang alisin sa harap nang bahay. May cover pa man din ang ilan.

Atsaka pano naman kaming mga alipin nang cubicle at miting room, puros mga daliri na lamang ang naaeensayo sa katatayp sa keyboard. Puros hintuturo ang nadidiin sa keyboard nang walang malaking kabawasan sa calorie. Aba, tama nga ang naisip ko na talagang dapat pag-itingin ang cross-posting. Ang mga nakakurbata sa main office headquarters-eklat ay dapat minsang pakawalan sa linya nang factory at gawing operator! O kaya ibalibag sa warehouse at hayaan magbanat nang buto sa pagbubuhat nang mga epektus at kontrabando.

Panoorin ang RPG Metanoia. Tangkilikin ang mga dapat tangkilikin na pelikulang pinoy. Hindi ang mga pitu-pito nang Star Cinema.(Maigi nga't nalulugi ang mga pelikula ni KC na walang kwenta).

Mabuhay ang grupong nagsikap bumuo nang RPG Metanoia.

Thursday, January 27, 2011

Christmas Fiction

Dec 6, AM
“Inisyal” na monito monita (oo, may pinal na sesyon pa ng exchange gifting nekswik!), bukasan nang regalo. Ang nakuha ko ay isang tumataginting na keychain. Langya, worth 300 pesos na ba ito? Ang pinakawalang kwentang posibleng iregalo nang sinumang nag-abroad ay keychain (maigi pa ang ref. magnet). Malamang ang nagregalo nito sa akin ay natanggap lang din ang keychain sa isang kagagaling sa Beijing, nakita nyang wala syang pagagagamitan, kaya ipinasa na lang sa akin nang hudas. At siguro idinagdag sa konsiderasyon na sa Beijing lang ito nabibili, kaya maghahalagang 300 pesos na rin, ayon sa madugas na monito ko. Hindi lang ako malas sa rapol, pati sa exchange gift, wala ring bisa!
Dec 6, PM
Nag-announce nang theme sa corporate christmas party para sa biyernes. May costume-costume pa raw. Glam rock, glam rock daw. Tangina, anong glam-glam? David Bowie? Syet, mag-a-eyeliner ako? Tanginang yan. Mahalungkat na lang ang lumang Club Dredd t-shirt ko. Purong rakenrol na lang, wala nang glam-glam eklat na yan.
Dec 7, AM
Bumabanat na naman ang ka-cubicle ko na parating napakalakas makipag-usap telepano. Ang akala nya siguro nakakalakas nang signal kapag parang megaphone sa tindi magsalita patutok sa receiver ng landline. Nalalaman tuloy ang buong pinag-uusapan hanggang sa kabilang ibayo nang opis. “Merry Christmas, pamasko ko,” palahaw ng kumag. Pati dayalog ay nakakaasar sa sobrang luma. “Eto, busying-busy pa,” sabi nya mayamaya. Ulul, puros facebook lang ang inaatupag mo kanina. Gusto ko sanang sabihin: “pare, hindi ka ba napapagod magpanggap at magsinungaling? Hindi ka ba nakakapreno minsan, habang nasa gitna ka nang pagsisinungaling, at mag-isip…’teka, parang di naman ako makikinabang sa pagsisinungaling kong ito ah. Sabihin ko na lang kaya ang totoo?’”
Dec 7, PM
Merong may birthday at nag-ambag-ambag para makabili ng cake. Nang kainan na. napakatamis nang caramel sa ibabaw ng cake. Sobrang tamis! Parang sinuperconcentrate na asukal. Parang maski langgam ay maaooverdose. Pano na kaya ang QA tester neto na tumitikim sa huli nang pagawaan? Dilat na dilat na siguro maghapon magdamag dahil sa bloke-blokeng asukal na nalalaklak.
Dec8, AM
Sinusuri ang keychain, Naging pambukas man lang sana ito ng tansan, may pakinabang pa. Sinubukan kong ikabit ang susi nang oto, pero ang walang pakinabang na keychain ay bumubukol lang sa likod nang pantalon, at nasasaktan lang ang kanang pisngi nang pwet ko pag umuupo. Nilagay ko muna sa harap na bulsa.
Dec 8, PM
Habang umiihi, napagtanto ko na ang walang kwentang keychain ay nagpapaalala lang sa akin na malas ako sa rapol. Baka malasin pa rin ako sa biyernes. Tapos, parang nagmumukhang bukol nang kung ano lang ito sa harap na bulsa. Tinanggal ko ang susi na nakakabit, at itinapon ang keychain sa basurahan. Makita sana ito nang monito ko, swertehin sana ako sa rapol sa biyernes.
Dec 9. Lunch Break
Umidlip sa cubicle, mahimbing na sana ang re-charging, pero binangungot ako. Nagpepresent daw ako sa Execom pero pinahiya ako bigla nang isang regional head. Galit akong umalis nang meeting, lumabas nang conference room, pero parang bintana pala ang nalabasan ko. Bumabagsak ako mula sa 32nd floor nang magising. Pano kaya pag namatay ako sa cubicle? Anong oras kaya ako madidiskubreng dedbol na?
Dec 9, PM
Lumabas saglit para kumain ng halo-halo at nang lumamig naman ang ulo maski konti. Sinubukan ang halo-halo sa RSM Kainan. Tanginang yelo, sinlalaki nang graba. At napakatamis na naman! Nasa isip siguro nang tindera: babawiin nang kakulangan nang sarap nang kanyang halo-halo ang paglagay nang sangkatutak na asukal. Mali! Dapat sa macapuno o sa sabaw ng saging manggaling ang tamis! Isinabog ko ang ilang nanikit na mga grabang yelo sa table cloth at iniwan ang halos puno pang baso ng halo-halo.
Dec 10, AM
Habang umiihi, biglang pumasok sa isip ko na sa buong buhay, wala pa akong naiuuwi sa bahay na kahit anong bentilador, alak, o kahit anong maski consolation prize sa mga krismas party.
Dec 10, PM
Nagpaeyeliner ako at nagpa-make-up nang ala-KISS, desperadong makauwi nang premyo. Pero wala pa ring nakamit na best costume o ano. Wala ring napanalunan sa rapol. Maski plantsa, oven toaster, o payong, wala, wala, wala.

The Elegance of Jeepneys

There is no doubt that Sarao is a genius. 

Imagine the engine that are undying, just constantly overhauled, never retired. 

Our jeep's nose is the like the art deco opposite of those Jaguars and Bentley Continentals.

But when you learn how to drive the streets of Metro Manila, you begin to hate the drivers.

And then minutes after, you think about the boundaries that they have to pay.

Children that they have to send to school.

And the many wives that they have to feed.

Basta driver...