Monday, August 23, 2010

Paano kaya kung bagsakan ito nang atomic bomb?


Sandamakmak na katauhan. Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero parang malayo pa sa kamaynilaan. Mga ilang minuto pa bago kami nakalanding. Zinoom ko ang isang bilding, may Pasig City na nakasulat. Ito ba yung lumubog sa baha?

Mukhang siksik na siksik ang lugar talaga. At parang walang kahala-halaman. Ang mga berdeng lugar ay nasa gilid lang. Punung-punu nang tao at naglalarong mga batang langaw malamang ang mga eskinita.

Ganito rin ang kinalakhan ko sa Caloocan na nunong kabataan ko'y may naghahabulan nang saksakan at umaariba nang suntukan, tadyakan, tagaan, bambuhan, barilan sila Rey Susing, Toto Talahib, Boy Negro, Bhoy Kabayo, Jun Banle, Jonjon Puto, Marvin Barok...

Pero sana'y wala naman masyadong gulo sa mga maliliit na kalyeng ito. Sana puros pagmamahalan na lamang.

No comments: