Showing posts with label Rambling. Show all posts
Showing posts with label Rambling. Show all posts

Tuesday, January 3, 2012

Bourne Legacy sa Kamaynilaan

cy



Dear MMDA Chairman Tolentino:

MGA DAPAT GAWIN:
1. Magbantay laban sa mga mandurukot at isnatser dyan sa Malibay.
2. Maglagay ng paskel sa mga matarapik sa EDSA. Dapat may picture ni Renner at Weisz na “Paumanhin po, nag-su-shooting lang!” Maiintindihan agad yan ng mga pinoy.
3. Yung mga MMDA dyan sa rotunda na mukhang mga goon (o mga goon talaga sa lakas mangikil), pag-bakasyunin na muna.  
4. KIlala si Tony Gilroy sa sangkatutak na takes, hayaan na lamang lumampas sa oras nang konti ang mga shoot.  
5. Hayaang pasabugin ang himpilan ng pulis dyan sa Pasay at sila ang paglinisin at pagsementuhin muli ng bilding. Ispreyan na rin sila ng mga ligaw na bala kunwari. Kailangan yan ng istorya.
6. Sa Navotas, maigi mag-shooting dyan. Hayaan ang mga artista na malansahan. Idaan na rin sa Payatas. Matindi yan kung magpapagulung-gulong ang bida sa plastic, o lalangoy sa dagat ng basura, o magtatago sa bundok tapos babaril na parang si Owen Wilson.
7. Magdasal na wag umulan (kung di naman kailangan ng ulan).
8. Yung mga magtuturon na masarap magluto ng turon, hayaang magtinda sa set. Patok ang turon sa mga dayuhan.
9. Si Edward Norton, pansinin din. Mahusay yan sa American History X. Magugustuhan yan ng mga taga-Tundo.
10. Isama na sana ang Caloocan at Malabon. Walang kabuhay-buhay ang mga lugar namin na ito. Ituloy ang shooting maski bumaha.

 MGA DI DAPAT
1. Huwag hahayaang umepal ang mga taga FAP, CBCP, si Manoling, magkaron man ng matitinding bayolenteng eksena, magkaron man ng sex scene o barilan sa gitna ng Baclaran.
2. Huwag magpinta ng kalburo
3. Yung mga lubak, was masyado malalalim.
4. Huwag na mag-ayos ng courtesy call kay Pnoy. Huwag sila pilitin.
5. Kung sang hotel nakalagak ang mga artista, wag na i-pa-TV-patrol pa.
6. Huwag na pakialaman sana ng mga cineaste/selection_committee ng mmff.
7. Huwag ipainterbyu kay Boy Abunda ang kahit sino na bumubuo ng pelikula. Si Jessica na lang.
8. Hindi na kailangang dalhin sa high-class na bar para makinig ng music. Makikita na Renner na kahit ang maliliit na inuman sa gilid-gilid, maayos ang mga banda.
9. Huwag nang pilitin kumain nang balot kung ayaw. Sisig na lang para sumakit ang batok at mag-overstay.
10. Huwag aalukin si Jeremy Renner ng libreng masahe sa Flight 168 o sa Palacio don Pedro. Bagamat babalik-balikan nya tyang ang mga lugar na ito, magiging patotoo lang sa sinabi ni Amb. Tomas ang lahat.

Thursday, December 22, 2011

Nakikithanksgiving lang

Sa pamamagitan nang pagbili nang kung anu-ano sa Black Friday Deals ng Amazon.

Itu ang kung anu-anung nakuha ko:




Maraming salamat sa nanay ng isang kaibigan na nagbabalik-bayan box nang regular. At sa Amazon Prime trial na tyempong ibiniyaya ng internet.

Ganire ang sistema nang pagtitinda. Lightning deals ang tawag a tunahan sa pagpindot:
(pero bakit langya, may tinitinda pang casette tapes?)

Lulong na ako sa kapitalismo, at pagpapapasasa sa di makubuluhang produktong pang-aliw. At neksyir, magpapaalipin na ako sa iPhone 4S. At nangangarap maglaro ng Diablo III sa makinang mapang-alipin na ito:
Ahh, kayod-kayod-kayod. Gusto ko nang bagong New Balance 993, kayod! Gusto ko nang bakasyon sa El Nido, kayod!


Monday, May 30, 2011

Beer Economic Theory


Actually more a Beer Utility Theory, Beer Global Outsourcing Theory,... but in any case, whatever the alcoholic-drink-fused theory you call it, here it goes:


It was an attempt to answer the questions by the investor: on where (which country) is the best place to invest in? And for the jobhunter: on where is the best country to work in. So the theory goes, a happy person is a productive person, then an "entertained" person is a happy person. Beer is one fuel to make entertainment; or the cost of other entertainment seems to follow the price of beer. The price of beer, check out any country, therefore indicates a utility measure on where is the best place to work in. Beer in the Philippines is cheap, so it follows that the Philippines is one of the best places to work in. The cheapest, happiest, most productive people are here in the country. So, check the price of beer (and also the quality) if you're planning to invest or work in another country. 

Monday, January 31, 2011

Breaks anyone's heart anytime

I was looking for a photo of something "dirty" to put in a presentation on Green initiatives. I remembered shooting an estero in Quiapo two years ago. I found this photo together with those other pictures of Quiapo. 
Shot it on the way down the big underpass of Echague and Hidalgo. In sweltering heat, this 'supposed' mother and daughter are sitting on the stairs, begging. 

Why 'supposed?' You know they're most probably part of a syndicate, but you still can't help give money. Any parent would, seeing a child suffer like this. 


I remembered it also got me thinking minutes after dropping a few change. I thought that no parent would allow his or her child be pandered for money like this.You will not allow your infant child be exposed in extreme noon heat and dirt of Quiapo, aggravating probable pain the baby is already feeling. 

When I come back in the same underpass, I won't be surprised to see this woman again in the same location, with a different disabled child in tow. I won't be surprised if I forked over money again after seeing her and her prop. 

RPG Metanoia at iba pa.



Tama yung isang rebyu na nabasa ko--sa titulo pa lang, matapang na ang RPG: Metanoia. Imadyinin mo, isang anak na nagyaya...
"Tay, nood tayong RPG: Metanoia."
"Anong RPG Metanoia?"
"Yung, ano, tay..."
"ano ba yan anak bagong brand nang vetsin?"

Pero hindi, hindi ito vetsin, isa itong metikulosong tinapos na pelikula. Mahusay at kailangang tangkilikin.

Hindi pa pulido ang ibang eksenang animation, pati yung tyempo ng dubbing sa buka nang bibig nang mga karakter ay may mga mintis pa, pero pwedeng pwede na ito. Pwedeng-pwede na isabak sa mga festival, lalung-lalo na sa katarantaduhang mmff. Itong RPG Metanoia ang nanalo dapat na best picture. Saan ka pa makakakita nang pelikulang pinoy na kung saan ang bawat frame ay pinag-aralan at pinaghandaan. Nilagyan nang detalye nang dyip dito, nilagyan nang lata, nilagyan nang aso, karakter na binarungan at binigyan nang payong na tumitira. Langya, tinalo ito nang isang pelikulang may bidang malaking baba? Yun lang yun?

Ang RPG Metanoia ay tungkol sa isang batang nalulong na sa computer role-playing game. Pinapakita nito kung paano na nakakalimutan nang henerasyon ngayon ang tumbang preso, patintero, at ang ibang pang larong pinag-aaralan sa Philippine Games sa Peyups. (Aaaah Philippines Games, ang kinukuha nang estudyante kapag naubusan nang slot sa PE). Sa Amerika, pinagtatalunan na na hindi na nga nagkakaroon nang ehersisyo ang mga kabataan, nagtatabaan na lamang lahat sila dahil wala na nang mga pisikal na aktibidades. Nalulong sa sa facebook, youtube, ang mga bata. Totoo namang kayang ubusin ang bawat araw sa harap nang kompyuter nang mga bata ngayon. Paano nga naman susubukang ibalik ang mga larong ganito, lalo sa atin dahil ang mga kalye ay pinaparadahan na nang mga sasakyan na kakarag-karag? Pati ang mga sira at bulok na na di naman tumatakbo ay ayaw pang alisin sa harap nang bahay. May cover pa man din ang ilan.

Atsaka pano naman kaming mga alipin nang cubicle at miting room, puros mga daliri na lamang ang naaeensayo sa katatayp sa keyboard. Puros hintuturo ang nadidiin sa keyboard nang walang malaking kabawasan sa calorie. Aba, tama nga ang naisip ko na talagang dapat pag-itingin ang cross-posting. Ang mga nakakurbata sa main office headquarters-eklat ay dapat minsang pakawalan sa linya nang factory at gawing operator! O kaya ibalibag sa warehouse at hayaan magbanat nang buto sa pagbubuhat nang mga epektus at kontrabando.

Panoorin ang RPG Metanoia. Tangkilikin ang mga dapat tangkilikin na pelikulang pinoy. Hindi ang mga pitu-pito nang Star Cinema.(Maigi nga't nalulugi ang mga pelikula ni KC na walang kwenta).

Mabuhay ang grupong nagsikap bumuo nang RPG Metanoia.

Thursday, January 27, 2011

The Elegance of Jeepneys

There is no doubt that Sarao is a genius. 

Imagine the engine that are undying, just constantly overhauled, never retired. 

Our jeep's nose is the like the art deco opposite of those Jaguars and Bentley Continentals.

But when you learn how to drive the streets of Metro Manila, you begin to hate the drivers.

And then minutes after, you think about the boundaries that they have to pay.

Children that they have to send to school.

And the many wives that they have to feed.

Basta driver...

Tuesday, October 19, 2010

random quotes picked up

Humor can be dissected as a frog can, but the thing dies in the process.
--EB White
One of the classiest, clearest writer ever.

The one who doesn't fall never stands up. It happened that people made me an idol. But everybody loses. I'm just a human being.
--Fedor Emelianenko
The humble Superman lost. He'll come back. If I can bet at Vegas, I'll be a thousand dollars he'll win on his next fight. 

I am awfully greedy; I want everything from life. I want to be a woman and to be a man, to have many friends and to have loneliness, to work much and write good books, to travel and enjoy myself, to be selfish and to be unselfish… You see, it is difficult to get all which I want. And then when I do not succeed I get mad with anger.
— Simone de Beauvoir
Im reading the biography I won from Jessicarulestheuniverse.com

Today is the beginning of a new day! Wait…hang on. Sorry, just checked. It’s the same day as yesterday.
--Stevemartintogo
short-tweet-writing genius. why did he start just now?  
(photo from michaelgrecco)

As she manuevered around me I noticed she has scars down her back from hanging on hooks and six heavy silver rings in her labia.
--Kimberly Nicole Rathkamp
Reading this sentence is like reading the title "Love in the Time of Cholera," as Steve Martin commented in one article. Seems youre happy ambling along "Love... in... the... time... of..." and then blasted shocked by the word Cholera! By puss and boils in the skin!  

Pakula died on November 19, 1998 in a freak car accident on the Long Island Expressway in Melville, New York. He was 70 years old. A driver in front of him struck a metal pipe, which went through Pakula's windshield, striking him in the head and causing him to swerve off the road and into a fence. He was killed instantly.[3]
--Wikipedia entry
I liked Presumed Innocent and Pelican Brief. His last movie with Brad Pitt is a thrash.I wish I die like this. 70 also is a good age to die.

“Since knowledge is never lost, productivity will always rise.”
I am surprised to see Alan Greenspan’s Memoir in hardbound in the bargain bins. Although that book is being attacked for its endorsement of "financial product innovations," I still consider that tome a gem.

`Think about three or four moments that you believe to be the most important during your time frame. Then think about what the leadership did about it. It doesn't have to be complicated. What happened, and what did the leaders do about it? That's your book."
 --David Halberstam tip to would-be writers of nonfiction. But could this apply to fiction as well?
Halberstam died in a car accident as well. While being driven by a student to a speaking engagement. Halbestam died, student lived. If there are more than one in the car, the one driving almost always lives.

You can multitask with a lot of things, but you can’t really multitask reading a book.
--Jonathan Franzen
Thinking of buying Freedom as an audiobook in audible or should I read it in printed form. 
I enjoyed Corrections, which was his last novel, published a decade ago. 

Sunday, October 3, 2010

Sequence

Split screen, real time, dalawang tauhan, isang lalake at isang babae, tanghaling tapat, tumutugtog ang background music.

Si babae ay naglalakad sa bukirin, si lalake sa isang kalye, papuntang EDSA. Naririnig ang papalapit na kalyeng matrapik. Businahan ang mga oto't bus.

Parehong malayo ang tingin nang dalawa, nag-iisip nang malalim habang naglalakad. Si lalake ay di mawaksi sa isip ang kanyang hipokritong boss na walang alam gawin kundi magpagawa nang report. Puros na lang report na walang resulta. Tuwang-tuwa ang boss at kumikislap ang mga mata pag nakakakita nang mga palamuting bar graph, spiderplots, at piechart. Gustung gusto nya rin ang mga retorik na katulad nang “have a sustainable capacity-building solutions to increase our pool and capability.”

Pareho silang magsasalita nang: “Langya.”

Si babae naman ay iniisip ang ipinipilit nang nanay nyang pagtatrabahuhan na pabrika. Kung siya ang masusunod, ayaw na nyang umalis sa bukid. Subalit ang lupa nila ay unti-unti nang napupuno nang mga kubo nang kanilang pinsan, kapatid, tiyahin, ditse, ingkong, tiyuhin nang tiyahin ng pinsa, na walang libangan kundi magkastahan. Nagkalat na ang kanilang mga anak-anak at unti-unti nang kumokonti ang mga taniman. Sabay na iiling ang dalawang tauhan, at magsasabi: “Tsk!”

Tutuluy-tuloy lang ang kanilang paglalakad at pagtingin sa malayo. Tapos, bigla na lamang, si babae sa bukirin, ay makakatapak nang mainit-init na tae ng aso! At si lalake naman, sa sementadong kalye papuntang EDSA, ay makakajackpot nang isang tumpok na ebak ng kalabaw.

Matatapos ang background music, parehong magtataas nang talampakan ang mga tauhan at magsasalita: “Putsa!”

Magsisimula ang kanilang itinadhanang pag-iibigan, na sinimbulo nang dalawang tumpok na tae na natapakan. Bakit may tae nang kalabaw sa Edsa? Bakit may asong sa pilapil pa dyumebs?

Thursday, September 16, 2010

Paano kaya?

Paano kaya kung ang magkaroon nang ganitong promo...


ay ang



CHICKENJOY-ALL-YOU-CAN?!

Tyak na rambol iyon!
Tyak na kagulo ang Pilipinas!
Tyak na maraming sasakit ang batok sa highblood!
Kikita ang Mercury Drug sa bandang huli!
 

Thursday, September 9, 2010

Pag ako yumaman...

1. Bibili ako nang bahay at magpapagawa nang ganireng bookshelf:


2. Magpoproduce ako nang pelikulang ganito. Yung may bidang babae na namumutol nang etits nang mga walangya. Kailangang kumita agad sa unang proyekto ko! Si Anne Curtis ang gawin nating bida!


(ito yung remake)

(ito yung original noon 1980's) 


3) Bibilhin ko ang National Bookstore Bestseller branch sa pinakataas nang Robinson's Galleria., para cutprice booksale para sa akin, kahit kailan ko gusto.


4)  Magpoproduce ako nang seryosong Pinoy Film mula sa kinita nang pelikulang may pinutulang mamang salbahe. Ang bida yun talagang madudunong umarte o yung handsng magpadirek patungo da mahusay na pag-arte, tulad nila Pen Medina, Ronnie Lazaro, at John Lloyd Cruz. Tungkol sa buhay-looban noong panahon ni Macoy ang istorya. Pwedeng pagbasihan yung maikling kwento ni Norma Miraflor na “Sulat Mula sa Pritil.” Nagitla ako nung una kong nabasa ito sa klase nang Humanidades I. Magiging mahusay ang pelikula ito, sigurado. 


5) Patitira ko sa mga taga-Tundo si Mayweather. Hindi uubra ang egoy na ito sa mga pana ng Hermosa, Moriones, isama na ang mga taga-Caloocan. 


6) Bibili ako nang typewriter na antique, maganda, at matibay. Pandispley katabi nang bookshelf. Sa loob ng library. Parang musika kasi noon sa akin ang tikatik nang typewriter. Parang katumbas kasi nuon ang solidong produksyon sa pabrika, bagamat mga salita ang pinoprodyus.  Parang ginagawang solido nang tunog nang makinilya ang mga salita.


Monday, August 23, 2010

Paano kaya kung bagsakan ito nang atomic bomb?


Sandamakmak na katauhan. Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero parang malayo pa sa kamaynilaan. Mga ilang minuto pa bago kami nakalanding. Zinoom ko ang isang bilding, may Pasig City na nakasulat. Ito ba yung lumubog sa baha?

Mukhang siksik na siksik ang lugar talaga. At parang walang kahala-halaman. Ang mga berdeng lugar ay nasa gilid lang. Punung-punu nang tao at naglalarong mga batang langaw malamang ang mga eskinita.

Ganito rin ang kinalakhan ko sa Caloocan na nunong kabataan ko'y may naghahabulan nang saksakan at umaariba nang suntukan, tadyakan, tagaan, bambuhan, barilan sila Rey Susing, Toto Talahib, Boy Negro, Bhoy Kabayo, Jun Banle, Jonjon Puto, Marvin Barok...

Pero sana'y wala naman masyadong gulo sa mga maliliit na kalyeng ito. Sana puros pagmamahalan na lamang.

Wednesday, April 7, 2010

Transleysyons

Pasintabi, gusto ko lamang i-copy-paste ito rito for posterity...


Ako ay nagkukubli dahil kakausapin na naman ako ng mga dayuhan at bagama’t sila’y marunong naman at madalas purihin ang aking bansa’y hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin ng mga Pilipino. Akala nila’y nauunawaan nila ang Pilipinas dahil ilang taon na silang namamalagi rito, nguni’t dahil nga sila’y bisita ang nakikita lamang nila ay ang kagandahan na para sa mga turista. Hindi ako nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa lahat ng ayaw ko ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin ay walang iba kundi tayong mga Pilipino. At tuwing makakita sila ng magandang bagay o tanawin, o makatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan sa kanilang malalakas na boses. Ano ba sa Tagalog ang “patronize”? Lingid sa kanilang kaalama’y ito ang ginagawa nila.Â
 
O baka nagkataon lamang na madaldal sila at masyadong mahilig sa tunog ng kanilang sariling tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila at hindi ko sila tatanungin kung bakit tuwing ako’y nakakausap ng kanilang kababayan ako’y inaantok, o kung mayroon silang “cellar”. Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!


Napakahirap magsulat nang pormal sa Filipino. Mahirap masterin ang “ng at nang,” humanap nang synonym, iwasan magsabi nang sangkatutak na “na, lamang,” (para sa already, only, at just), manatili sa iisang tono, at bumaybay nang pandiwa para ipakita ang pangmaramihan at pang-isahan (plural at singular). Nakakawindang magpapalit-palit din sa passive at active voice; sangkatutak na ‘ay’ ang kailangang ilagay kapag active ang pinili. Nakakaburyon din ang pagsisigurado na makakabitan nang ‘mga’ ang lahat nang pangngalan at panghalip na dapat ipakita na pangmaramihan. Sa unang bungad hanggang sa huling tuldok, kailangan ring manatili lang sa iisang pormal na boses at pagpili nang mas pormal na salita (ngunit o subalit, imbis na ‘pero’)

Ang pinoy ay hindi isang efficient na language kung tutuusin (napakarami nang syllable at babaybayin na letra–’pupunta’ imbis na ‘go,’– kumpara sa kung ang diwa ay ipaparating na lamang sa ingles.

Pero pag naisulat nang mahusay, ang daloy ng sanaysay sa pinoy ay di tatalunin ng kahit anong salin sa ingles. Parang tula na tumitipa ang bawat salita, pangungusap, at hinehele ang nagbabasa.

Isang mabilis na pag-edit (suhestyon lamang):

Ako ay nagkukubli, umiiwas kausapin na naman ng mga dayuhan dito. Bagama’t sila’y maalam (alternative: may mga ibubuga / may sinasabi) rin naman at madalas purihin ang bansa, hindi ko nais marinig kung ano sa palagay nila ang dapat gawin nating mga Pilipino. Akala ng mga taong ito ay nauunawaan na nila ang Pilipinas dahil lamang sa ilang taon nilang pamamalagi rito. Nguni’t sa totoo, sila’y mga bisita pa rin na ang nakikita ay kagandahan na para sa mga turista lamang. Ako’y hindi nagpunta rito para ipaliwanag ang kasaysayan ng Pilipinas sa kanila.

Isa pa, tuwing makakakita sila nang magandang bagay o tanawin, o makakatikim ng masarap na pagkain, tatlong oras nila itong pag-uusapan nang malalakas ang boses. Ano ba sa Tagalog ang â€Å“patronize’? (ano nga ba? nakakakababang pananangkilik, mapangmataas na pamumiri?? hehehe) Lingid sa kanilang kaalama’y, ito ang kanilang ginagawa. Sa lahat nang ayaw ko, ay yaong mga dayuhan na nais tayong sagipin mula sa ating mga sarili. Kung may sasagip sa atin, walang iba yaon kundi tayong mga Pilipino rin.

O marahil nagkataon lamang na sila’y likas na madadaldal, at masyadong mahihilig sa tunog ng kanilang sariling mga tinig. Kakagatin ko na lamang ang aking dila, at iiwasan silang tanungin nang kung bakit tuwing ako’y makakausap ng kanilang mga kababayan, ako’y inaantok. O kung mayroon ba silang â€Å“cellar’.
Magsitigil kayo, ako’y nagbabakasyon!
Magaling akong mag-Filipino. Ang hindi ko maatim ay ‘Taglish’.

Tuesday, February 23, 2010

This is my Honda Jazz. There are many like it, but this one is mine…




I got my first brand new car. It’s a white Honda Jazz 1.5 V, the top of the line of this model in this country.





Besides the additional 124 K PhP that I forked over in cash, I owe 700 KPhP + insurance to my current company for this card. I am selling my soul from 9am to 8PM for it.

I park it just outside our house, which worries me.

And when I drive at times I also get distracted thinking about all the plastic panels inside. How they will become discolored and crumpled similar to my old Lancer EL 96, whose dashboard panels had some ugly delamination after so many years of service to me and its first owner.

Lancer EL 96 has been very good to me. Lancer EL96 is already 14 years old but he still runs well.

I didn’t take care of his body much, but had his insides repaired when he needs it.

His windshield got smashed 3 years ago, and it was fitted with a new one at Aguila Glass in Muntinlupa, but it later became leaky. Everytime it rains hard, the floor at the drivers side becomes discomfortingly wet.


Every time I see oil leaks, in the engine, I immediately drive to Banawe the next immediate weekend to have EL96 repaired. I don’t know why 3 years hence, I did not pursue repair on this water leak, nor really thought about painting him over. I don’t know why I did not take care of Lancer EL 96’s beauty outside.


He was also hit by a Jeepney, 









But still he gave comfort and continued reliability to bring me from point A to point B. And gave me a refuge to rest temporarily at, when I need it. 




Goodbye Lancer EL 96. You’ve been good. Very good to me and my loved ones. May you continue to please your new owners for 14 more years. May you keep my son safe. He should still be driving you on 2024.


  

Thursday, December 6, 2007

Moving forward

If one have been in a corporate environment long enough, you will feel the political/powerplay meaning of the word "moving forward," "move forward," "should move forward," and other variations.


It usually means "shut-up." "This is my decision, or the decision of my boss who I lick like a dog, you follow!"

It means all arguments, however rationale, must stop, because the powerful, magical word "move forward" was deployed.

Even though there are indications that the activity in the end will actually be a step backward... because the "move-forward" decision did not look at all angles and was destined to failure... one have no choice but to shut-up. [Btw, if youre not the boss, it's laughable to say in the meeting "move forward," at least in this country].

The move forward thing is good in the sense that something is actually being pushed, some activity is passed on and started. And certain projects need to be released fast begin to mover.

But when the goal that dictates that sched really doesnt require eveything be hectic, and there's time for a clear-headed discussion, it's almost always a word for "shutup." If there's legitimate consensus and well thought-of decision, everybody just moves toward, tags along, support it naturally, without anybody saying "we need to move forward [to here, where I want]"

[SORRY FOR ANOTHER RAMBLING. JUST ANOTHER FRUSTRATING DAY AT WORK].