Gusto ko ang kalawang na mapulbos. Ayaw ko nung nagbibitak-bitak na parang makakapal na balakubak. Kapag pinung-pino ang kalawang, parang dahan-dahan nyang kinakain ang bakal. Dahan-dahan syang naninira at nagpaparupok ng istraktura. Parang tahimik na tirador, panalo yun.
At kumbaga sa chemistry, ang pinong kalawang ay nagsisimbolo nang pinung-pinong purung-purong elemento nang compound. Iron oxide ika nga ang pangalan ng compound, pero sa totoo may contaminant na ibang element yan pag inanalays, baka na haluan nay an nang maduming sulfur, boron, o unnilquadium.
Preo tyak na ang pinung pino kalawang ay di nahaluan nang mga ligaw na Borium. Walang contam contam.
Bukod dito, ang amoy nang purong kalawang ay kakaiba. Mala-kiamoy, yung mapulang champoy na maasim na nag-eevoke nang urbanidad at orihinal na masang –masang maralitang tagalunsod na amoy. Hindi yung maasim na amoy putok kundi isang matinding honest na pagmemekaniko.
Kumakapit na malagkit din ang klawang na pino sa katawan. Na parang pag sumuot sa pores mo, madadagdagan ka nang kailangang iron. Sa gayon, di na kailangang bumili pa at uminom nang Enervon ferrous sulfate.
Pano kaya ang lasa nang kalawang na pino kapag tinikman. Hayun, meron sa mga kadena. Kukuha nga ako nang isang pinch lang nang matikman...
[ na-leyt ito na entry sa kontes].
No comments:
Post a Comment