sa wakas napatulog ko rin ang magandang toyoing alaga kong ito. ay si ate ba asan? magpapaalam ako saglit para makapag-load. Wala, nasa bingohan na rin pala. palibutan ko muna itong si nene nang mga malalaking unan nyang hotdog, para maski magising, o pumihit dahil sa likot matulog, hindi pa rin malalalaglag sa kama si beybi.
palabas na ko ng gate namin. kailangan ko nga rin palang iteks yung recruiter sa japan. di naman daw totoo at malayo yung sumabog na nuclear. aba, di naman masamang mangarap di ba? maasikaso naman ako nang mga bisita at totoo naman daw na mababaw ang kaligayahan nang mga hapon. di na ko tyak yaya ruon. pwede na ring entertainer. taray noh.
oops napatagal itong si ate sa tindahan nang pag-enter yata nang number ko. sandali, intayin ko na ang kompirmesyon bago umalis. ayun. makatakbo na pabalik at baka nanghihingi ng mik nya si beybi. nakup mukhang umiiyak na nga. anlakas yata nang sigaw. binuksan ko. wala sa kama si beybi. nandun sa kabilang gilid, leka at nalaglag nga. nakatahiya. may malaking bukol sa noo. nakatikwas ang kamay, hindi ang braso. bali mula siko, parang pa-L.
No comments:
Post a Comment