Hindi tumatabi o umuusog man lang ang mga kababaihan kapag ikaw ay bababa na. Walang nagpaparaan, deadma. Pag nabangga konti, sisimangot pa. Hehehe.
Kapag natyempo kang nakasakay sa dulong-dulong pinto ng mga panlalake, kita na sa kabilang salamin, ang coaster na pambabae, malilibang ka pagmasdan ang phenomenang ito. Lalo na pag may kasama kang bata o buntis at mapaupo sa ‘reserved’ door (yung sa pinto ng driver), masisiyahan ka talaga.
Bakit kaya ganito? Mas mapag-isip ba ang mga babae at ayaw maiistorbo sa kanilang pagmumuni-muni? Nasanay ba sila na mga lalake ang tumatabi sa kanilang dinaraanan kaya di sila titinag? O asar lang sila sa kapawa nila babaeng katabi at di talaga magbibigay… nagtatarayan ika nga?
No comments:
Post a Comment