Monday, May 31, 2010

Bata... Bata... (2)


Nagsabmit ako nang dalawang entri sa isang pakontes tungkol sa kung pano raw ieeksplika sa isang apat na taon na bata ang paggawa nang bata. Hindi nanalo. 


Ah kung paano gumagawa nang bata? 

Pag laki mo, yaang pitutoy mo, ipapasok mo yan sa pudenday ng isang ineng. Maraming nasasarapan duon, pero sa bandang huli, may lalabas na liquid dyan, puti. Isipin mo tanim yuon kay ineng at si ineng ay mabubuntis. Lalaki ang baby sa loob ng tyan nya, kaya bibilog… tapos lalabas ang baby tapos ng ilang buwan. Nagagawa ito pag kasing taas na ganito tulad ko ang tao.
Nakikita mo yung si Puma na aso natin kapag nakikipagkastahan? Parang ganon, sa ganon nambubuntis, pero hindi na nagkakabit nang matagal katulad sa kanilang aso, medyo mas mabilis lang. Nakita mo rin ba si Puma na nakalawit ang dila at parang masyadong excited? Ganoon, anak, ganoon, nasasarapan din ang mga tao.
At kesyo nasasarapan ang ibang mga tao, minsan kasta lang sila nang kasta, di napaghahandaan ang baby na lalabas, di naaalagaan ang bata at kakalat kalat lang sa lansangan. Masama iyon.
At hindi sa kalsada ginagawa ang bata ha… sa loob ng kwarto, patago ginagawa, kasi naka-bold kailangan. Di makikita, dalawang tao lang sa loob ng kwarto, at naka-lock…
At wag mong susubukan muna yon, kasi di ka pa malaki. Ulitin ko ha. Dapat mga ganitong kataas ka na, katulad ko, bago mo magagawa yon. O, naintindihan mo?
Tanungin mo ulit ako sa pag ganito ka na [ipapakita ang pitong daliri]. Tapos pag ganito ka na [ipapakita ang isang sampu tapos limang na daliri], Ikekwento ko na rin sayo lahat at tuturuan kita nang marami pa tungkol sa paggawa nang bata. Oks, anak?

For the Underdog



Phoenix lost in 6. Orlando lost in six. Utah lost in six to the Bulls, 2 times!
Damn it! Why do I always choose to cheer for the underdog, and the just wallow in shouldabeenwouldabeengrief for some days? Is it because I was brought up by Lola watching Pepeng Kaliwete, Batas nang 45, and other FPJ movies?

Nevermind. Someday we'll win. Someday.

[and as long as Pacquiao don't lose, we all should be okay]

Bata... Bata...



Nagsabmit ako nang dalawang entri sa isang pakontes tungkol sa kung pano raw ieeksplika sa isang apat na taon na bata ang paggawa nang bata. Hindi nanalo. 



Anak, ganito. Ang baby ginagawa nang nanay at tatay. Parang nagtatrabaho, pinapawisan din kami, pero sa loob nga lang nang kwarto, at hindi nakikita nang iba ang ginagawa. Ang nanay at tatay lang ang nasa loob ng kwarto dapat.
Mas maganda nagmamahalan kapag gumagawa nang baby. Kasi mas lalabas na cute, malusog, matalino, at masayahin ang baby pag ganuon. Kapag nag-aaway naman parati ang nanay at tatay, baka hindi lumabas na pogi o maganda si baby. Malamang nakasimangot. Tsaka malamang di rin maaalagaan ang baby… imadyinin mo, baka wala rin syang maging kalaro na nanay o tatay. Di tulad mo, di ba, naglalaro tayo nang toys mo nila nanay.
Meron ring gumagawa nang baby ang mga di nagmamahalan, kasi masarap din ang mismong paggawa. Hindi mo pa maiintindihan ang masarap na ito, pero itulad mo na lang na parang kumakain ka nang isang masarap na ice cream. Hindi mo pa matitikman ang ice cream na yon ngayon kasi maliit ka pa. Kayang gumawa nang baby kapag ganito ka na kataas. Mga 20 years pa yon. Sorbang maraming tulog pa yon.
Mabalik ako sa sinabi ko kanina… pag sinubukang gumawa nang baby ang mga tao ang nang di naman nagmamahalan (isipin mo, parang nagnanakaw nang ice cream di ba?), tapos nabuo ang baby, malamang kawawa nga ang baby na iyon. Di maalagaan? Tapos kapag mahirap lang ang nanay at tatay nya, baka di pa sya mapainom nang masarap na milk.
Meron ding pamilya naman na nagmamahalan pero masyadong madaling makabuo ng baby at dumadami sila masyado, kaya nag-aagawan ang mga kapatid sa laruan… minsan pagkain, damit. Nakikita mo yung kapitbahay natin na maraming magkakapatid? Hayun, kaya masama rin ang gawa nang gawa nang baby na di napagpaplanuhan.
Ang kulit ba? Basta responsable dapat. Pag naintindihan mo na ang ibig sabihin nang responsibility anak, hayon, pwede, kwekwentuhan pa kita nang paggawa nang baby.
Minsan may nahihirapan na makabuo nang baby kasi may sakit o hindi match ang nanay at tatay. Hindi agad nabubuo. Nakakalungkot din iyong walang baby kasi walang kakanta sa kanila nang bahaykubong magaling tulad mo.
Basta ang tandaan mo, may share si nanay at tatay pareho, hindi pwedeng mag-isa lang ang gumagawa. Parating sharing. At mas maganda pag labs nang isa’t isa ang nag-she-sharing. Ok? O, kainin mo na yang gulay mo, para maganda ka lalo paglaki.

Saturday, May 22, 2010

Si Mariana Kerima



Si Mariana Kerima o Raya ay magiging isang mahusay na manunulat at potograpo. Sa edad na tatlo, mahihilig syang magbasa nang mga ingredients sa mga supot ng tortilla chips, chocnut, at gerber. Dito magsisimula ang kanyang hilig sa mga buong diwa ng mga pangungusap, at mga diin sa salitang nakasulat.

Magisimula syang tumutok sa mga pelikula na pinapanood nang kanyang itay. Makakaintindi siya nang obra nina Christopher Nolan, Martin Scorsese, at Wes Anderson sa edad na lima.

Matututo syang sumipat sa viewfinder nang camera sa edad na anim. Magkakaroon sya nang likas na kambyo nang komposisyon, at lalabas ang natural na susog na hanapin ang maiging liwanag para sa litrato.

Si Raya ay magiging isang mabuting tao at mamamayan.  

Thursday, May 20, 2010

Pulupot, di ko take!

Binoto ko ang Ang Ladlad sa party list, Hindi excuse yon sa komento na ito, basta gusto ko lang mangomento... 

Bakit ba bumubuhos ang kabaklaan sa indy film ngayon? Kumikita ba ang mga ito? Ano itong pelikula na Pulupot na pinagbibidahan nina: Alexander "Tsoknut" Castillo, Ethan Lee, Jeff Luna, Jodi Belo, Justin De Leon, Marjorie Movilla. Sinira pa ang pangalan ng matamis na pampatawid gutom sa hapon ng mga office workers: ang chocnut!

Aba, puros chupaan ang pinapahapyawan sa trailer pa lang. Sandamakmak na chupaan siguro ang laman nang utak nang writer at director nitong pelikulang ito.

Binoto ko ang ladlad, dahil bilib ako kay Danton Remoto. Nanghihinayang ako at hindi sila nanalo. Pero sana, wag namang puro pambading na pelikula ang indy ngayon. Gawing dekalidad at di dapat maging ala pitu-pito at pasmado ang akting nang mga artista. 

Chos!

Tuesday, May 11, 2010

"Pati si Maambong, naambunan ko rin"


Panalo ka talaga sa katatawanan, bok. 

At parang perpetual na lasing ka na parati ngayon kung magsalita. Winner!

Friday, May 7, 2010

Tanginahit! Panalo ito! Hahahahahahahaha!



Matagal-tagal akong di natawa nang chorbang todo. hahahaha! maraming salamat sa trumabaho nang lyrics na ito.