Monday, May 31, 2010

Bata... Bata... (2)


Nagsabmit ako nang dalawang entri sa isang pakontes tungkol sa kung pano raw ieeksplika sa isang apat na taon na bata ang paggawa nang bata. Hindi nanalo. 


Ah kung paano gumagawa nang bata? 

Pag laki mo, yaang pitutoy mo, ipapasok mo yan sa pudenday ng isang ineng. Maraming nasasarapan duon, pero sa bandang huli, may lalabas na liquid dyan, puti. Isipin mo tanim yuon kay ineng at si ineng ay mabubuntis. Lalaki ang baby sa loob ng tyan nya, kaya bibilog… tapos lalabas ang baby tapos ng ilang buwan. Nagagawa ito pag kasing taas na ganito tulad ko ang tao.
Nakikita mo yung si Puma na aso natin kapag nakikipagkastahan? Parang ganon, sa ganon nambubuntis, pero hindi na nagkakabit nang matagal katulad sa kanilang aso, medyo mas mabilis lang. Nakita mo rin ba si Puma na nakalawit ang dila at parang masyadong excited? Ganoon, anak, ganoon, nasasarapan din ang mga tao.
At kesyo nasasarapan ang ibang mga tao, minsan kasta lang sila nang kasta, di napaghahandaan ang baby na lalabas, di naaalagaan ang bata at kakalat kalat lang sa lansangan. Masama iyon.
At hindi sa kalsada ginagawa ang bata ha… sa loob ng kwarto, patago ginagawa, kasi naka-bold kailangan. Di makikita, dalawang tao lang sa loob ng kwarto, at naka-lock…
At wag mong susubukan muna yon, kasi di ka pa malaki. Ulitin ko ha. Dapat mga ganitong kataas ka na, katulad ko, bago mo magagawa yon. O, naintindihan mo?
Tanungin mo ulit ako sa pag ganito ka na [ipapakita ang pitong daliri]. Tapos pag ganito ka na [ipapakita ang isang sampu tapos limang na daliri], Ikekwento ko na rin sayo lahat at tuturuan kita nang marami pa tungkol sa paggawa nang bata. Oks, anak?

No comments: