Nagsabmit ako nang dalawang entri sa isang pakontes tungkol sa kung pano raw ieeksplika sa isang apat na taon na bata ang paggawa nang bata. Hindi nanalo.
Anak, ganito. Ang baby ginagawa nang nanay at tatay. Parang nagtatrabaho, pinapawisan din kami, pero sa loob nga lang nang kwarto, at hindi nakikita nang iba ang ginagawa. Ang nanay at tatay lang ang nasa loob ng kwarto dapat.
Mas maganda nagmamahalan kapag gumagawa nang baby. Kasi mas lalabas na cute, malusog, matalino, at masayahin ang baby pag ganuon. Kapag nag-aaway naman parati ang nanay at tatay, baka hindi lumabas na pogi o maganda si baby. Malamang nakasimangot. Tsaka malamang di rin maaalagaan ang baby… imadyinin mo, baka wala rin syang maging kalaro na nanay o tatay. Di tulad mo, di ba, naglalaro tayo nang toys mo nila nanay.
Meron ring gumagawa nang baby ang mga di nagmamahalan, kasi masarap din ang mismong paggawa. Hindi mo pa maiintindihan ang masarap na ito, pero itulad mo na lang na parang kumakain ka nang isang masarap na ice cream. Hindi mo pa matitikman ang ice cream na yon ngayon kasi maliit ka pa. Kayang gumawa nang baby kapag ganito ka na kataas. Mga 20 years pa yon. Sorbang maraming tulog pa yon.
Mabalik ako sa sinabi ko kanina… pag sinubukang gumawa nang baby ang mga tao ang nang di naman nagmamahalan (isipin mo, parang nagnanakaw nang ice cream di ba?), tapos nabuo ang baby, malamang kawawa nga ang baby na iyon. Di maalagaan? Tapos kapag mahirap lang ang nanay at tatay nya, baka di pa sya mapainom nang masarap na milk.
Meron ding pamilya naman na nagmamahalan pero masyadong madaling makabuo ng baby at dumadami sila masyado, kaya nag-aagawan ang mga kapatid sa laruan… minsan pagkain, damit. Nakikita mo yung kapitbahay natin na maraming magkakapatid? Hayun, kaya masama rin ang gawa nang gawa nang baby na di napagpaplanuhan.
Ang kulit ba? Basta responsable dapat. Pag naintindihan mo na ang ibig sabihin nang responsibility anak, hayon, pwede, kwekwentuhan pa kita nang paggawa nang baby.
Minsan may nahihirapan na makabuo nang baby kasi may sakit o hindi match ang nanay at tatay. Hindi agad nabubuo. Nakakalungkot din iyong walang baby kasi walang kakanta sa kanila nang bahaykubong magaling tulad mo.
Basta ang tandaan mo, may share si nanay at tatay pareho, hindi pwedeng mag-isa lang ang gumagawa. Parating sharing. At mas maganda pag labs nang isa’t isa ang nag-she-sharing. Ok? O, kainin mo na yang gulay mo, para maganda ka lalo paglaki.
No comments:
Post a Comment