Thursday, September 9, 2010

Pag ako yumaman...

1. Bibili ako nang bahay at magpapagawa nang ganireng bookshelf:


2. Magpoproduce ako nang pelikulang ganito. Yung may bidang babae na namumutol nang etits nang mga walangya. Kailangang kumita agad sa unang proyekto ko! Si Anne Curtis ang gawin nating bida!


(ito yung remake)

(ito yung original noon 1980's) 


3) Bibilhin ko ang National Bookstore Bestseller branch sa pinakataas nang Robinson's Galleria., para cutprice booksale para sa akin, kahit kailan ko gusto.


4)  Magpoproduce ako nang seryosong Pinoy Film mula sa kinita nang pelikulang may pinutulang mamang salbahe. Ang bida yun talagang madudunong umarte o yung handsng magpadirek patungo da mahusay na pag-arte, tulad nila Pen Medina, Ronnie Lazaro, at John Lloyd Cruz. Tungkol sa buhay-looban noong panahon ni Macoy ang istorya. Pwedeng pagbasihan yung maikling kwento ni Norma Miraflor na “Sulat Mula sa Pritil.” Nagitla ako nung una kong nabasa ito sa klase nang Humanidades I. Magiging mahusay ang pelikula ito, sigurado. 


5) Patitira ko sa mga taga-Tundo si Mayweather. Hindi uubra ang egoy na ito sa mga pana ng Hermosa, Moriones, isama na ang mga taga-Caloocan. 


6) Bibili ako nang typewriter na antique, maganda, at matibay. Pandispley katabi nang bookshelf. Sa loob ng library. Parang musika kasi noon sa akin ang tikatik nang typewriter. Parang katumbas kasi nuon ang solidong produksyon sa pabrika, bagamat mga salita ang pinoprodyus.  Parang ginagawang solido nang tunog nang makinilya ang mga salita.


No comments: