Wednesday, December 8, 2010

Isang garapong taho

Antagal ko nang nakain nang taho, isa ito sa mga paborito ko. Napanood ko rin ang taho ichi na pinagbibidahan ni Dolphy, pero ngayon ko lang napagtanto na pwede nga namang istrohin ang taho.


Bagamat ang mga nilalakong taho sa ngayon ay di na lasang-lasa ang linamnam nang soya (kumbaga'y matabang na sya), nandyan naman ang soy yummy sa mga mall na mainit init pa ang bawat luto at mukhang puro ang pagkaka-pormula nang taho.

Bagamat hindi ito soy yummy...
mukhang nakatsamba kami nang isang source na malapit ang linamnam sa mas mahal na soy yummy.

Gayunpaman, napakaigi nang isang garapong taho, dahil habang kumakain ka, komportable ang damdamin mo na di ka mabibitin. Lalasapin o lalagukin mo lang ang bawat higop o kutsara nang taho nang buong saya at satisfaction, walang alinlangan na baka maubos na sya mayamaya.


Ang sabi nang aking kapatid ay baka larawan na ito nang kasibaan--sa tingin ko'y di naman. (kuwarenta pesos ang nang-uumapaw na garapong taho na ito).

Nakakapagpasakit daw nang tuhod at kasu-kasuan ang taho dahil sa taas nang uric acid nang pagkaing ito, pero di ko naman naramdaman ang kahit anong kirot sa kahit saang joints.

Aaah, isang garapong taho, bibilhin kitang muli. 

No comments: