Monday, December 6, 2010

Usapan sa isang restoran.

Isa na namang "litwit" na paligsahan ang pinangahasan kong salihan. Ang asaynment: sumulat nang nakabibilib na usapan sa isang restoran, na akma para sa litratong ito: 

Sinubukan kong alalahanin ang ilang interesanteng usapan na naranasan ko maski sa isang karinderya, pero wala, walang isang kapsula lang nang usapan na kayang iiksplika sa 1,000 salita lamang. Naroon ang ang mga nagdedeyt sa buon giorno na naulinigan nain na talampunay pero ang kanilang mga papapakyut ay mukhang di mananalo sa kontes. 

hindi ko alam kung bakit sa mga aktibista napunta ang aking interes: 

–Bakit ka ganyan, bok? Di ka naman ganyan dati, ah.
–Bakit, ano ko dati?
–Progresibo ka mag-isip dati. May malasakit sa mga layunin natin.
–Hhmn napagod lang siguro ako mamitik ng librong gusto ko sa national bookstore. Kaya naisipan ko nang kumayod at kumita.
–Oo nga alila ka na talaga nang kapitalista. Pumipilantik na rin sa kaiingles ang dila mo.
–O, di naman kita iniingles ngayon a. Purong pinoy tayo mag-usap.
–Pero dumudulas ang dila mo kanina. Ang bigkas mo sa mamitik… ma-me-tekh. Langya.
–Pasensya na, baka dumulas nga. Pero kaya ko pa rin namang ma-ki-pag-ba-li-tak-ta-kan sayo…
–Oo, pero yang damit mo, yang mukha mo, panay siguro ang facial scrub mo.
–Kailangan lang sa trabaho na maayos tayo at mabango tayo.
–Oo nga, todong sellout ka na.
–Di naman siguro, bok. Aktibista pa rin sa utak. Sumisingit pa rin ng laban, laban sa kabobohan.
–Bakit ka ba nagkaganyan, bok? Napa-maling-timpla ang gising mo isang araw at bigla ka na lang kumalas?
–Nung una, gusto kong matikman ang technology kasi. Unang humila sa akin yung PS2. Gusto kong maglaro noon nang Grand Theft Auto. Ngayon, eto–tignan mo itong cellphone.
–May cellphone din ako, di nga lang ganyan kaganda.
–Subukan mo lang pre, i-try mo lang. Sabihin mo sakin na di mo maappreciate ang technology. Itong isang produkto nang kapitalismo.
–kailangan din namin yan, may selpon din ang kilusan, pero di namin kailangan nang ganyan kagarbo.
–Ayaw mo bang kumakain sa ganitong restoran?
–Kaya kong lutuin ang halos lahat ng putahe dito.
–E pano ang ingredients, pano ka bibili? Subukan mo lang intindihin. Hindi ito simpleng sunod lang sa agos. Nakita mo yung bagong pictures ni Joma na nakadamit nang magagarang sweater. May tsiks pa na nadikit ang boobs sa braso? Suporta pa ba sa layunin natin, yon?
–Nakita ko nga at napagsabihan na sya.
–Napagsabihan nino?
–Basta di ko kailangan nyan.
–Subukan mo lang, pre. try mo lang. Hindi ito oras nang drama, pero palagay ko, pag pinagtabi-tabi tayo, pag hinubad lahat nang pretensyon, unang loyalty dapat ay sa sarili, bok.
–Kailangan pa tayo nang naargabyado, pre.
–Mas masarap mag-aral nang may internet. Mas epektib na gamitin sa akribismo ang internet. Hindi na tayo dapat… ayan na ang inorder, kumain muna tayo.
[kumain, makailang subo...]
–Patingin nga nyang cellphone mo. Ito ba yung may 4G-4G eklat?


Parte pa rin kaya ito sa aking personal na pakiramdam nang pagkalibadbad sa trabahong corporate? O talaga namang inobsolete o pinalabnaw na talaga nang technology pati mga personal na ideyalismo? 

Ah, sya nga pala, ito si Joma ngayon: 


O, diba, sino ang di madidisillusion? 

No comments: