Wednesday, September 9, 2009

Ang pinamatatandaan ko sa pelikulang Bruno ay...

ang napakaikling oras nito. Petengeneng sebreng ekle. Biruin mo, isang oras at sampung minuto lang pumatak ang pelikula? Halatang kinatay-katay nang MTRCB. Oi, kung kakatay kayo nang ganito, dapat isubsidize nyo ang tiket. Gawing sinkwenta pesos na lang ang sine, langya.

Tumatalon-talon ang mga eksena sa pelikula, may mga napuputol pa na salaysay. May eksenang magpapakidnap sana si Bruno sa Lebanon para siya'y sumikat, tapos... aba, bigla na lamang napunta sa Africa ang pelikula. Sanamagan talaga.

Walang mabuting Censorship! Yun lang.

No comments: